Ashtine Mae Sanchez
Lahat ng sinabi niya sa'kin kanina sa rooftop ay umiikot at animo'y tumatalon-talon sa isipan ko. Kahit anong gawin ko ay hindi ko maibaling sa iba ang atensyon ko. Buong maghapon akong natuliro. Buti na nga lang at after ng parade ay wala na akong kailangang asikasuhin.
"So, manliligaw na ako?"
Letse!
"So, manliligaw na ako?"
Napabalikwas ako ng higa. Naman! Patulugin mo na ako. For heaven's sake ala-una na ng madaling araw na at may pasok pa ako mamaya!
"So, manliligaw na ako?"
Bwisit ka Myco! Oo kinikilig ako pero nakakarindi rin naman kapag pauulit ulit kong naiisip 'yong sinabi mo.
Bumangon ako saka lumabas ng kwarto. Iiinom ko nalang ito ng gatas, baka sakaling makatulog pa ako.
***
Classroom.
"Naks! Aga mo ngayon ah." bungad ng kakarating palang na si Ethan pagkaupo niya sa seat niya. Hindi ko siya pinansin. Now I'm sleepy, kaninang madaling araw hindi ako makatulog. "Laki ng eyebags mo ahh" sabi pa niya. "Tahimik ka ngayon ahh." sige salita ka lang diyan. "Snob ka?" tanong pa niya.
Ang dami pa niyang sinabi pero hindi ko lang siya pinansin. Hanggang sa nairita na ako sa kanya. Iniwan ko siya. Pupunta nalang akong cafeteria. Magcocoffee.
Papunta akong cafeteria nang makita ko si Myco. Automatic ang pag-ahon ng panic sa dibdib ko. Nasa tapat siya ng room nila, nakasandal lang doon sa may railings. Magkakatabi lang kasi ang rooms ng seniors, dalawang rooms ang nakapagitan sa room ko at room niya. Nakayuko siya kaya hindi niya napansin na padaan ako. Well, tama lang 'yon. Medyo nalampasan ko na siya nang may lalaking biglang natisod habang papasalubong sa'kin, may nakaharang kasi na upuan sa daraanan niya, sumabit doon ang paa niya. At sakto makakasalubong ko siya kaya...
*BLAAAGG
And here we go again. Ang kamalasan ko sumusulpot kapag nasa malapit lang si Myco. Bakit gano'n?
Natumba 'yong guy, nadamay ako kasi ako ang nakasalubong niya. Sabay kaming natumba, pero huwag kayong mag-isip na nasa ibabaw niya ako o pumaibabaw siya sakin kasi HINDI nangyari 'yon.
"H-Hala. Sorry miss— Eh A-Ashtine pala"
Huh? I looked at the guy... si Yuri pala.
Yuri naman! Ang prone mo sa accident!
"Okay lang kayo?" tanong ng boses mula sa likod at hindi ko na kailangang manghula kung sino 'yon dahil nabosesan ko agad ang boses ni Myco.
BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]