Ashtine Mae Sanchez
Hindi pagkaraniwan ang umaga na 'to dahil nagising ako sa isang masamang panaginip... no, bangungot siya sa isip ko.
"Ashtine?"
Napalingon ako kay Myco, katulad nang mga nagdaang gabi, madalas sa'kin na siya tumatabi, partly because of Callix.
Napabangon siya nang makita akong nakaupo. Nakita kong bigla siyang nag-alala, hindi ko pa maintindihan kung bakit noong una maliban nang magsalita siya.
"Bakit ka umiiyak?" Takang taka na tanong niya saka pinunasan ang pisngi ko.
Napahawak din ako sa pisngi at doon ko lang napansin na umiiyak ako. Hindi ko naramdaman ang luha pero ramdam na ramdam ko ang kakaibang takot sa dibdib ko.
Dahil mapilit si Myco ay bahagya kong ikinuwento sa kanya ang napanaginipan ko. Na nalayo raw sila sa akin at hindi ko na nakita kahit kailan. Napakababaw ng ginawa kong eksplinasyon dahil mas nakakatakot pa 'yon doon sa panaginip ko, hindi ko lang makuhang magdetalye.
Tinawanan niya ako pagkatapos at sinabing panaginip lang 'yon. Tumango ako na parang bata na nakikinig sa magulang. Totoo naman, panaginip lang 'yon. Kahit na ba totoo ang naramdaman kong takot, alam ko pa ring imposibleng mangyari 'yon.
Dahil umaga na ay bumangon na kami. At maya-maya lang ay nagising na rin si Callix.
"Papaarawan pa ba ngayon si Callix, Ash?" Tanong ni Myco na bumalik sa loob ng kwarto ko matapos lumabas sandali.
Pinapalitan ko na ng diaper ang bata dahil punong-puno na 'yon.
"Bakit naman hindi?"
"Eh walang araw eh."
Bumagsak ang balikat ko at naiiling na tiningnan siya. Tingnan mo 'to, minsan walang common sense. "Wala palang araw eh edi hindi."
"Magluluto na lang akong almusal." Pag-ako niya. At dahil siya ang magluluto, dapat iyong simple lang dahil kapag sinubukan ko siyang utusan na mag-fried rice o kung ano mang mahirap lutuin, siguradong hindi kami makakakain.
"Gusto ko ng nilagang itlog at pancit canton."
"Aye, aye!" Iyon lang at mabilis siyang lumabas uli ng kwarto.
Binalingan ko si Callix nang matapos ko siyang palitan ng diaper. Biglang pumasok sa isip ko ang panaginip ko kanina. Malabo na iyon sa isip ko pero natatandaan at nararamdaman ko pa rin ang takot. Dahil doon bigla ko siyang binuhat at yinakap.
Hindi ko kayang malayo sa inyo, baby, lalo na sa'yo. Iyong isang oras pa nga lang kitang hindi makita, hindi na ako mapakali eh. Si papa mo kaya ko pa sigurong hindi makita ng isang araw, pero ikaw? Sandali ka lang mawala hahanapin kaagad kita.
BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]