Ashtine Mae Sanchez
"PIGGY BACK RIDE!"
Hiyaw ko kasabay ng biglang pagsampa sa likod ni Ethan, nagulat siya pero kasabay no'n ay agad naman niya akong inalalayan sa likod gamit ang parehong braso niya.
"ASH!—Ouch!"
Biglang sumabog ang tawanan mula sa mga kaklase namin habang wala nang nagawa si Ethan, hindi naman niya ako pwedeng ihulog eh.
"Ash ang bigat mo." reklamo niya.
Tinampal ko ng magaan ang pisngi niya. "This piggy speaks bad things, hindi ako mabigat 'no."
"Hindi ka pa mabigat sa lagay na 'yan?" patuloy niya.
"Ano na!? Magbabangayan nalang kayo dyan." at bumaling ang kaklase namin kay Ethan. "Horsie, move!"
"Ngayon horsie naman? Anong hayop ba talaga ako?" reklamo uli niya.
Kumunot ang noo ko, umiingay ata 'to ngayon?
"Yung totoo, kalabaw ka. Ang bagal mo kumilos eh." sagot ko and I heard murmured 'ewan ko sa'yo.' pero hindi ko na pinatulan iyon.
Itinulak tulak siya ng mga kaklase namin which made him move finally.
Itong ginagawa niya ngayon ay dare niya. Naglaro lang kami para may magawa at kanina nang tanungin ko siya kung kanino siya nagagandahan sa mga classmates namin, hindi siya sumagot. Bilang parusa dahil doon, ito ang naisip kong gawin. Papasanin niya ako sa likod at iikot kami sa buong school.
"Ash ayaw mo ba bumaba?" tanong niya nang nasa field na kami.
Medyo naawa naman ako, paano halos nasa sampung minuto na rin niya ako pasan. Tagaktak na ang pawis niya.
"Bababa muna ako pero saglit lang ha?" sagot ko sabay talon pababa.
Agad na bumagsak ang mga palad niya sa tuhod niya at itinukod iyon doon. Mula sa likod ay lumipat ako sa gilid niya, bahagya ko pa siyang niyuko kaya nakita kong tagaktak talaga ang pawis niya.
"Ganoon ba talaga ako kabigat?" bahagya siyang napalingon sa'kin dahil sa tanong ko. "Anyway, amina ang panyo mo." utos ko.
"Huh?"
"Your hanky, amina."
Binigay naman niya ang hinihingi ko. Nang makuha iyon ay nagkusa akong punasan ang pawis niya sa noo at batok. He flinched a little saka tinignan ako pero kinunutan ko lang siya ng noo saka nagpatuloy sa ginagawa.

BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]