Final Chapter

9.5K 107 44
                                        


Note: Pasensya sa kakalabasan ng ending, last minute kahit may MALAKING PLOT na pumasok sa isip ko, medyo in-adjust ko pa siya sa kwentong 'to para ma-fit in.

SALAMAT sa mga nagbabasa hanggang ngayon. Salamat sa votes, comments, at reads lalo.

***

Akielo Flores


Pinapanood ko ang ulan sa labas... bagay na hindi ko naman trip gawin pero ginagawa ko ngayon dahil sa kawalan ng magawa. May iba naman akong pwedeng gawin pero dahil nga umuulan, parang gusto ko na lang maging sentimental at tumitig sa bumabagsak na tubig mula sa langit.


Biglang nagvibrate ng phone sa ibabaw ng kama, inabot ko 'yon at sinagot nang hindi sinisilip kung sinong caller. Dalawa lang naman 'yon, kung hindi si Yuri, si Drake.


"Oh?"


[Akielo.]


Natigilan ako sa nagsalita at nang makabawi ay inalis ko ang phone sa tainga at tiningnan ang screen.


Fuckingshit.


"Sir Arthur." Mas magalang ang boses na sagot ko nang balikan siya.


[Hindi ka marunong tumingin sa tumatawag, bata.]


Naiimagine ko sa isip ang itsura niya ngayon


[It's time Kiel.] Dugtong niya at bigla akong nakaramdam ng panluluo.


Bakit ang bigla bigla naman?


Gusto kong magtanong pero mas mabuting 'wag na lang. "Kelan po ang alis?"


[Ngayon gabi na mismo, sa airport na tayo magkita. Nakahanda na ang plane ticket mo. Mag-ayos ka na at magkita na lang tayo mamaya at exactly 11 pm.]


After giving the necessary information, mabilis siyang nagpaalam at nagbaba ng tawag.


Ganon na 'yon. Tapos na ang silbi ko rito. Aalis na naman ako. Napabuntong hininga ako. Dito man ako sa Pilipinas nagkaisip pero hindi na rito ang buhay na kinalakihan ko. Wala na akong magulang dito kaya ang matuturing kong malapit na tao na meron ako eh si sir Arthur na, kaso hindi naman dito nakabase 'yon. Mukhang babalik na siya sa Italy ngayon at isasabay na niya ako dahil tapos na ang trabaho ko rito.


Past 6 pm. Mabilis akong nag-ayos ng gamit at mabilis din akong natapos dahil mga importanteng damit lang halos ang dala ko. Nagkasya ang mga 'yon sa isang backbag, ang ibang gawin ko ay maiiwan na lang sa dorm na inuupahan ko, kakausapin ko ang landlord mamaya para doon. Wala naman akong mahalagang gamit na pwedeng maiwan.


Nang matapos ay napaupo ako sa gilid ng kama. Nakaramdam ako bigla ng lungkot.


Fouled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon