Chapter 19

3.8K 63 9
                                    


Ashtine Mae Sanchez


Love has nothing to do with what you are expecting to get—only with what you are expecting to give—which is everything..


Everything ...


I love him. I love him so much. That's why I'm hurting now...


... and dying thinking that he just used me as his rebound.


Sa dami ba naman ng tao, ba't ako pa? Hahahaha! Am I that obvious before? Obvious na may gusto sa kanya kaya ako ang ginamit niya ...


And am I really that stupid? Stupid enough not to know his real intention. 


Sabi niya ako nalang daw ang hindi nakakahalata, does it mean na may nahalata na sina Coleen? Sina bes? Habang naiisip ko iyon, mas nasasaktan ako. Mas nagagalit ako. Ang sarap niyang tirisin. Nanggigigil ako.


I hate you...


Wala akong masabi. I just hated you.


"S-Sorry" tanging nasabi niya pagkatapos. Pareho kaming tahimik, sinasadya kong itago ang mukha ko mula sa kanya, ayokong makita niya ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko.


Sorry? Anong gagawin ko sa sorry niya? Ni hindi ko alam kung para saan eksakto ang salitang iyon. Para ba sa nangyari o para sa panloloko niya sa'kin?


Bigla siyang tumayo, naramdaman kong nagbihis siya sa likod ko bago lumabas ng sarili niyang kwarto. Tinalikuran ko ang parte kung nasaan ang pinto saka pinakawalan ang pigil na pigil na iyak ko.


Paikot ikot sa isip ko ang sinabi niya.


"Hindi totoong mahal kita"


Hindi ko alam ang una kong dapat maramdaman. Kung galit ba o sakit. Basta ang alam ko, kailangan ko nang umalis dito bago pa makabalik si Myco.


Though I don't think he'll return any moment soon.


Nagbihis ako at inayos ang sarili as quickly as I can. Habang kumikilos ay nangangatog ang buong katawan ko, akala mo nilalamig, pero hindi. Parang jelly din ang tuhod ko. Nanghihina ako, pero hindi dahil sa nangyari kung hindi dahil sa sitwasyon. Gulong gulo pa rin ako hanggang ngayon. Kailangan ko ng sagot sa maraming tanong ko pero si Myco lang ang makakasagot sa mga iyon, at sa ngayon, hindi ko muna gustong makita siya.


Para pa akong tangang umiiyak habang naglalakad. Good thing walang tao sa kalsada. Kung sa ibang pagkakataon matatakot ako, pero ngayon ay mas natuwa pa ako, atleast nobody would see me like this. 


My body sore all over... na mas lalong nagpaluha sakin. What now? Kaya ko pa siyang makita? Bumuhos uli ang mga tanong sa isip ko.

Fouled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon