Ashtine Mae Sanchez
"Answer me honestly, Myco. Who is she?"
Hindi ko siya kayang tignan habang tinatanong iyon. Sa loob ko ay unti unting umaahon ang galit ko sa kanya. Galit na may panlulumo dahil sa mga nangyayari.
"Hindi iyon ang dahilan kaya kita dina—"
"Pero gusto kong malaman kung sino 'yon! Hindi ako magagalit. Ayokong magalit."
This time ay napatingin na ako sa kanya. My mind's working double time, kung anu-anong pumapasok dito at lahat gusto nitong iproseso. Gusto kong malaman ang sagot sa tanong ko pero ako rin mismo ay kinikwestyon ang sarili ko.
Kaya ko na bang malaman?
"Hindi mo na kailangan malaman kung sino 'yon."
Napakurap ako, ilang beses, bago nagsink in sa'kin ang sagot niya. Sunod ay pagak akong natawa.
Pinagmumukha niya akong tanga.
"Paanong hindi, Myco? Ha? Siya 'yung dahilan ng lahat! Siya ang dahilan kung bakit naging malapit tayo. Kung bakit mo ako niligawan. Kung bakit mo ako napasagot. Siya ang dahilan no'n. Ginamit mo ako dahil sa kanya. Ginawa mo 'yon hindi dahil gusto mo ako kung hindi para saktan siya. Tama ba?! Ang akala mo kasi magseselos ang kung sino mang 'yong babaeng 'yon kapag nakita niyang may relasyon tayo. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan ako! Ang daming babae pero bakit ako 'yong malas na napili mo para dyan sa kalokohan mo. I deserve an explanation, shouldn't I?"
Sobrang nananakit ang lalamunan ko sa pagpipigil na huwag maiyak. Pwede akong umiyak kahit saan pero hindi sa harap niya, ayokong sa harap niya.
I'm starting to get furious pero kalmado pa rin ang ekspresyon niya. Gusto kong isipin na wala talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko, na kaya siya kalmado dahil hindi siya ang nasa sitwasyon ko. Dahil doon ay mas lalong sumakit ang dibdib ko.
"Nasaktan ka na. Kung ngayon palang na wala kang alam nasasaktan ka na, paano pa kapag nalaman mo na lahat." sagot niyang diretso ang tingin sa mata ko, ni hindi man lang kumurap.
Napaatras ako ng isang hakbang kasabay ng pagbuga ng hangin sa ere. I can't believe him, I just can't believe him.
Ang pinipigil kong iyak ay idinaan ko nalang uli sa tawa.
"Seriously? Ngayon mo naiisip na baka masaktan ako? Bakit hindi mo naisip 'yan bago mo ako gamitin? Bakit ngayon mo pa iisipin na baka masaktan ako kung nagawa mo na, kung nasaktan mo na ako. Nakakatanga ka, alam mo ba 'yon?"
Nanahimik siya, nakatingin sa'kin pero wala namang maisagot.
This is a waste of time.
Nag-iwas ako ng tingin saka marahang napailing. Mas lalong nanakit ang lalamunan ko kaya naman bago ko pa mawala ang kontrol sa sarili ay mabilis ko na siyang tinalikuran. Pero bago pa ako makalayo ay may ibinulong siya na umabot sa pandinig ko.
BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]