Chapter 24

3.6K 54 3
                                        


Akielos Flores


Promenade night.


"Good evening, ladies and gents. Happening tonight is one of the most awaited events of the juniors and seniors as we..."


Napahikab ako sa gitna ng pagsasalita ng emcee sa ibabaw ng stage. Bored na nilibot ko ng tingin ang paligid. Since sa function hall ng hotel ang venue, lahat ng makita ko ay sopistikado.


Nang ibaling ko pa ang paningin ay lumipad ang mata ko sa table nina Ash na nasa bandang kanan namin. Agad ko siyang nakita dahil sa table namin nakaharap ang upuan niya. She's beautiful tonight pero kahit anong ganda niya o kinang ng suot niya ay kapansin-pansin pa rin ang lamlam ng mata niya.


Hindi ko sigurado kung dahil ba may sakit siya nitong nagdaang mga araw o talagang dahil iyon sa kanila ni Myco. Wala kaming direktang naririnig mula sa kanila pero pakiramdam namin nina Drake hiwalay na iyong dalawa.


Binalik ko na lang ang atensyon sa harap kahit nakakabagot ang emcee.


Nagstart ang program sa rigodon. Kasali ako doon syempre. Partner ko ang ex daw ni Myco na si Alexi. Sa dalawang linggong nagpractice kami ng rigodon, kahapon lang kami nakapagpractice ng magkasama. Paano nag-iinarte pa, gusto niya sa cotillion din siya kasali.


"Geez, where's the aircon. Ang init."

"Tsk. Tagal nilang sumayaw ah."

"Nalulusaw ata make up ko."


"Such a whiner." bulong ko, nakakabwisit marinig ang mga reklamo niya. Bigla siyang lumingon sa'kin at matalim ang paningin na tinignan ako. "Ano?" salubong ko nang tanong.


"Anong sabi mo?"


"Bingi." bulong ko uli. Sasagot pa sana siya pero biglang nagturn na namin sumayaw. I gave her a smile, iyong nakakaasar na ngiti.

***


Andrea Coleen Miranda


After ng matagal na rigodon dance eh umupo na kami sa kanya kanya naming tables. Sa isang table 8 persons ang pwedeng umupo.


Sa table namin kasama ko ang mga classmates ko. Gusto ko sana kina Ash kaso puro IV-A ang nandoon, ayako naman magpaka-feeling close so dito na lang ako.


Matapos ang turn ng rigodon, nagpahinga lang sandali ang lahat bago umakyat ang emcee sa stage to introduce naman the dancers for cotillion. Nagpalakpakan ang lahat. Cotillion is a special dance danced by special pairs. Hindi necessarily kailangang couple ang makapares dahil pwede ring hindi. Parehong kasali si Ash at Myco roon pero hindi sila ang magkapares.

***


Yuri Kleine


Isa ako sa mga tumayo nang tinawag ang magsasayaw para sa cotillion. Nasa gitna ang dance floor pero pagtayo ko ay sa kabilang lamesa muna ako pumunta, sa table nina Ash.


"Uy."


"Oh?" sagot niya na bahagyang nagulat sa pagsulpot ko bigla sa tabi niya.


Ngumiti ako ng malaki. "Tara, sabay na tayo pumunta doon." 


"Okay." tipid lang siyang ngumiti.


The special dance started, at nang matapos ay napalakpakan ang lahat. 


After ng cotillion ay nagkainan na. Pero habang kumakain napansin ko mula sa kabilang table na sabay na umalis sina Ash at Jessie, kapatid ni Ash. 


"Mycs, sundan mo nga 'yung girlfriend mo. Parang namumutla doon oh." ani Patrick, kaklase namin. 


Sinundan ng tingin nina Myco, pati ng iba pa na nandito sa lamesa, ang tinuro ni Patrick.


"Anong nangyari doon?" tanong ni Kiel na sinadya pang humarap kay Myco.


Umiling lang si Myco at itinuon ang atensyon sa harap. Bigla namang nagsalita ang mga emcee sa stage dahilan para doon mapunta ang atensyon namin. Nagsasalita sila pero hindi ko makuhang intindihin ang sinasabi nila, maliban nang biglang mag-dim ang paligid at magplay ang isang mellow na kanta.


"And again, good evening juniors and seniors. Now, the floor is all yours..."


Gusto kong si Ash ang maging first dance ko, 3rd year palang iyon na ang hiling ko. Hindi lang nangyari noon dahil nang may maunang makaaya sa kanya halos hindi na siya nakaupo dahil sunod sunod na ang gustong makipagsayaw sa kanya. Nahiya na lang ako.


Ngayong taon hindi na ako papalya.


Hinanap ng paningin ko si Ash, sakto namang nakita ko siya papasok nitong hall kasabay ng kapatid niya, may sumalubong na lalaki kay Jessie kaya naiwan si Ash mag-isa.


Eto na 'yon...


Lumapit ako kay Ash na mabilis ang tibok ng puso. Korni pero totoo. Sa isip ko ay ilang beses ko nang iniensayo ang sasabihin ko pagharap sa kanya.

_____________________________

Fouled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon