Ashtine Mae Sanchez
"So that's all, review para sa short quiz niyo bukas. Goodbye. class." paalam ng teacher namin sa trigonometry.
Sunod na pumasok ang teacher namin sa TLE. Last subject na 'to tapos uwian na. Medyo excited na akong umuwi kasi nasa bahay na si mama, dumating siya kaninang umaga. Dapat hindi na ako papasok ngayon kaso sunod sunod na ang absences ko at hindi na magiging maganda sa grade kung dadagdagan ko pa.
"Aww, boring." bulong ni Ethan bago tumungo sa desk niya.
Nagstart ang lesson at parang nahawa ako kay Ethan at biglang tinamad.
"Turn your books to page 123. Lesson 12, pregnancy."
Parang nagising ang kaluluwa ko nang marinig 'yon. Napansin ko pa ang pasimpleng pagsulyap sa'kin ni Callea pero hindi ko siya nagawang lingunin. Nang magsimula sa lesson ang teacher ay biglang lumipad ang isip ko kasabay ng pagpasok sa tainga ko ng mga sinasabi niya. Bawat sinasabi niya ay pilit kong iniintindi kahit sumasakit ang dibdib ko sa kaba at takot.
Kapag naiisip ko ang tungkol dito para akong mababaliw sa kaba. Kung nakamamatay lang ang kaba baka sa oras na ito may taning na ako. Natatakot din ako kay mama, sigurado kasi akong bago matapos ang bakasyon niya ay malalaman at malalaman niya 'to.
Imposibleng hindi, at siguro hindi rin makakaya ng konsensiya ko na hindi ipaalam kahit gaano pa ako natatakot.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig sa kawalan. Natinag na lang ako nang marinig ko ang dismissal bell. Naghalo ang excitement at takot sa sistema ko. Gusto kong makabonding si mama pero hindi ako magaling magsinungaling, natatakot akong may mabasa siyang takot sa'kin dahil may itinatago ako.
"Bes, hindi muna ako sasabay sa'yo, ah? Maaga akong uuwi, eh." paalam ko kay Callea, maya-maya pa siya uuwi, may meeting pa sila para sa cheering.
"No problem. Thanks sa chocolates, bes."
Tumango ako at nagpaalam na sa kanya. Lumabas na ako ng room. Dahil sa pagmamadali kong makababa ay hindi ko napansin na basa ang hagdan, madulas.
"AAAAY!" Tili ko kasabay ng mabilis na pagkapit sa hand rail. Pero hindi iyon ang nagligtas sa'kin mula sa siguradong pagkakadulas.
May brasong pumalibot sa tiyan ko mula sa likod, keeping me from falling forward. Naramdaman ko rin ang katawang sumuporta sa likod ko para hindi naman ako matumba patalikod.
Dahil sa kabang sumipa sa dibdib ko dahil sa panic ay hindi ako nakakilos kaagad... maliban nang bawiin ng kung sino ang braso niya mula sa akin.
"Bakit ka tumatakbo?" Bahagyang iritadong tanong ng tumulong sa'kin, at hindi ko pa man siya nalilingon ay natigilan na ako dahil sa boses niyang iyon.
Tumibok ng masakit ang dibdib ko at pilit akong lumunok dahil parang biglang nanuyo ang lalamunan ko. Mas lalo akong kumapit sa hand rail para hindi na uli ako madisgrasya kahit wala ang tulong niya saka humarap sa kanya.

BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]