Chapter 37

3.6K 51 9
                                    


Ashtine Mae Sanchez


"Okay lang ba si Myco?" Tanong ni Ethan nang makabalik ako sa kanya.


Nilapag ko ang merienda sa center table saka binigyan siya ng nagtatakang tingin habang paupo ako.


"Ha? Bakit?"


"Ba't gano'n 'yong mukha no'n?" Tanong niya na sinenyas pa ang kwarto nito. Matapos kasi niya ako walk out-an sa kusina ay mukhang sa kwarto niya siya dumiretso.


Napatingin ako sandali sa saradong pinto bago humarap sa kanya uli.


"Ano bang mukha niya?"


"Mukhang tao pa rin naman, kaso mukha rin siyang mag-eevolve na pokemon. Lalo na nang makita ako."


Sinagot ko ng malakas na tawa ang sinabi niya.


Maya-maya lang ay tungkol na sa pagpasok sa college ang napag-usapan namin. Nabanggit ko kung kailan ang due ko, which is sa September pa naman. Next school year pa ako makakapag-enrol so magiging ahead sila ng isang taon sa akin.


Medyo madami pa kaming napagkwentuhan at nang mapansin niya ang oras saka lang siya nagpaalam.


"7 pm na pala. I think I have to go." Paalam niya.


Inaya ko pa muna siya na dito na lang magdinner pero tumanggi na siya. Hinatid ko na lang siya sa gate at hinintay niya pa munang makapasok ako bago siya umalis.


In fairness, mas bumait siya ngayon.

***

Two months passed in the blink of an eye and now...


"Good luck, Coleen." I cheered. Tomorrow ay mag-uumpisa na ang klase sa Amethyst University, ang tertiary campus ng Amethyst High. Sa kanilang lahat ay siya lang ang hindi umalis ng Amethyst.


Nasa bahay ang lahat today, maliit na get together lang dahil once na magsimula na ang klase, magiging mahirap na para sa amin ang magkita kita lalo na magkakaiba sila ng university na pinasukan.


Sina Kiel, Yuri, Drake at Callea ay sa Clarence Aille University. Parehong Civil Engineering ang kinuhang course nina Kiel at Yuri, Culinary Arts naman kay Callea. Business Administration Major in Marketing ang kay Drake.


Si Myco ay sa Aiart University nag-enroll sa course na Geodetic Engineering, sa totoo lang hindi niya gusto iyong course at pinilit lang ni tito na iyon ang kunin niya. Walang interes sa kahit anong kurso si Myco kaya napilitan siyang sumunod sa gusto ng papa niya.


Ito naman si Coleen, sa Amethyst University nga at Tourism ang kinuha. Kapag nakapag-enroll ako next school year, plano ko ring Sa Amethyst pumasok pero either Mass Communication or Journalism ang kukunin ko. May interes kasi ako sa pagsusulat at sa media industry.

Fouled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon