Ashtine Mae Sanchez
"Magkakilala kayo?" takang tanong ni Callea sa kanila. Maang na napatingin ako sa dalawa, pero mas matagal kong binabad ang paningin ko kay Myco.
Si Myco ang sumagot, tinignan naman ni Kiel si Callea, "Ah oo, pinsan ko."
Biglang nawala ang pagpapantasya ko kay Myco at napabalik sa reyalidad.
"What?!"
Pero walang nakapansin sa reaksyon ko maliban kay Callea na sandaling napalingon sa'kin.
Biglang binatukan ni Kiel si Myco.
Wag naman sa ulo!
"Ulol! Kilabutan ka" sagot niya rito.
So, hindi sila magpinsan?
Natatawang umiling nalang si Myco kay Kiel, at pati na rin sa amin, "Oh, tara na. Una na kami Callea... at? Ano ngang pangalan mo?" tanong ni Myco na sakin nakatingin.
Nagpalpipate ang puso ko bigla nang ibaling niya ang tingin niya sa'kin.
Oh my, baka matunaw ako...O baka matunaw ko siya.
"A-Ashtine."
"Ashtine." pag-uulit niya sa pangalan ko.
Hearing my name coming from him makes me heart flutter with so much joy. Kung hindi nga lang nakakahiya ay titili ako dito mailabas lang ang kilig sa dibdib ko.
"Mauna na kami, see you around, Mae."
I think I heard Kiel bid his goodbye pero wala doon ang isip ko. Ang paningin ko ay nakapako kay Myco, nang ngumiti siya bago tumalikod sa'min ni Callea ay nanghina ang tuhod ko na kinailangan ko pang humawak sa kamay ni Callea huwag lang matumba.
Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya.
***
"Wala namang magawa dito sa SC room." reklamo ni Coleen.
Sabay sabay kaming gulat na napalingon sa kanya.
Siya walang magawa? That's new!
Napahugot ng malalim na hininga ang isa sa mga officers na kasama namin.
"Magmimeeting pa ba talaga? Where's the president, Ash?" tanong niya. Ako ang secretary of the president so dapat lang alam ko.
Pero umiling ako.
"Hindi ko alam. Hindi nagrereply sa text, hindi sumasagot sa tawag. Hintayin nalang natin."
BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]