Ashtine Mae Sanchez
Nakatulala ako sa harap ng salamin nang mabulabog ako dahil sa tunog ng phone ko. Pagsilip ko ay nakita kong si mama ang tumatawag. Mabilis kong sinagot iyon.
"Ma?"
[Ano? Nakabihis ka na ba? Bilis na, unang check up mo 'to kaya dapat maaga ka. Naku, kung wala lang talagang akong gagawin ako ang sasama sayo. Nga pala , si Myco—]
"Nakaayos na po ako." putol ko sa sinasabi niya.
First prenatal check-up ko ngayon pero hindi ako masasamahan ni mama dahil may inaasikaso rin siya. Ilang araw na lang kasi ay aalis na uli siya.
[Okay. Si Myco ba kasama mong pupunta?]
Napakamot ako sa likod ng tainga. "B-Busy din siya, Ma, eh. Sabi ko naman sa'yo sasamahan ako ng kaibigan ko. Okay lang ako."
In-schedule ako ni mama ng check-up sa kaibigan niyang ob-gynecologist. Siya dapat ang sasama sakin dahil first time ko 'to at wala naman akong kaalam-alam sa gagawin o ipagagawa sa'kin kaso nga nagkaroon ng emergency at kailangan niya iyong asikasuhin. Ang mama naman ni Myco ay sigurado akong busy din sa trabaho kaya hindi na ako nagpasabi. Nakausap ko naman na si Callea at willing siyang samahan ako, excited pa.
Bago ko pa makausap si Callea ay sinabihan ako ni mama na kay Myco na magpasama, sinabi ko na lang na sasabihan ko siya pero ang totoo ay wala akong binanggit sa kanya dahil baka mas kabahan lang ako kung siya pa ang kasama ko.
Nagpaalam na si mama at sinabihan akong tawagan siya pagkatapos na pagkatapos ng check-up ko, umoo naman ako. Saktong pagbaba ko ng tawag ay biglang dumating si Callea, salubong ang kilay.
"Ano ka ba, babae, sabi ko daanan mo 'ko sa bahay eh. Ang tagal mo naman, ako na tuloy ang pumunta." salubong niya hindi pa man siya nakakaupo.
Tumawa ako. "Paalis na nga sana ako pero tutal nandito ka na, hindi ko na kailangan dumaan sa inyo. Tara na?"
Hindi siya kaagad kumilos at tinignan pa muna ako. Nangingiwestyon ang tingin niya kaya nagtaka ako.
"Bakit?"
"Si Myco hindi busy ah. Actually nakita ko siya sa court pagdaan ko, naglalaro lang mag- isa. Ba't di na lang siya ang isama mo kesa naman ako na busy."
"Busy saan? Busy sa panghuhuli kay Drake? Nako, kung gusto mo talagang malaman kung may ibang nagugustuhan 'yon, pwede ka naman magtanong kina Yuri eh."
"Tsk. Tsk. Wag mong i-change topic. Hala! Tara na nga bago pa magbago ang isip ko, baka iwanan kita bigla dyan."
At dahil nabanggit na ni Callea na nasa may court si Myco, sinabi ko sa kanya na 'wag na kaming dumaan doon.
BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]