Complete.
In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart.
[ Season 1: Ash and Myco's story.]
"KYAAAAAAH!!!!!!" pagkarinig ko palang ng surname niya tumayo na ako sabay tili, 4th quarter na at lamang ang kalaban namin ng 5 points. Kanina pa ako tumitili dito hoping to beat the voice of the other girls who are also yelling at the top of their lungs katulad ko.
Naramdaman ko na may humihila sa braso ko paupo.
"Ash, kapag ikaw hindi pa umupo talagang itutulak na kita!" banta ni Callea sakin. Umupo naman ako agad, minsan na niya akong itinulak noong hindi ako nakinig sa kanya. Buti hindi ako nasaktan doon.
"Lucero again for twoooo points!"
Magbabalak palang sana akong tumayo pero mahigpit na niyang hinawakan ang braso ko.
"Callea naman eh!" I wanted to stomp my feet.
Humarap ako sa kanya at gustong magreklamo sana kasi ang KJ niya pero napatigil at napanguso nalang ako nang makitang lukot na lukot na ang mukha niya.
"Anong oras ba 'to matatapos? Ang ingay dito, ang init pa." reklamo niya. She hates what I love and loves what I hate. Nahila ko lang 'yan dito kasi sabi ko ibibigay ko sa kanya 'yung bag na padala ng mama ko sakin. Hindi naman ako gumagamit ng ganung klaseng bag, so better na ibigay nalang kesa nakastock.
"5 minutes pa bes, may suhol ka naman dito eh."
"Yeah, the reason why I'm still here and watching that game. Seriously bes, umay na umay na ako sa basketball games"
For two years ay member siya ng cheering squad ng Amethyst High at kasabay ng practice nila ang practice ng basketball team, iyon ang rason kaya umay na umay na siyang manood ng mga laro. Madalas pa kahit tapos na ang performance nila para sa certain opening ng basketball game, napipilitan silang magstay para lang manood at magcheer.
Kung kaya ko lang sumali sa kanila sasali ako, if that's the way para mapalapit kay Myco, sasali talaga ako.
Ibinalik ko ang atensyon sa laro. 2 points nalang ang hinahabol ng school namin against the other school.
Itinaas ko ang hawak ko na DSLR saka kumuha ng pictures. Double purpose ang panonood ko dito. First, gusto kong siyang makitang maglaro. Second, ito nga, para may mailagay kaming picture sa school journal na ipupublish na next week.
I'm an official photographer of our campus journal, bukod pa sa secretary to the president ako ng SSG.
Kumuha lang ako nang kumuha ng pictures, bawat isang player kinuhaan ko while they're making a 3 point and 2 point shot, while rebounding, while running, while in defense and while in offense.
"LAST 2 MINUTES!!!!"
Sigaw ng announcer, sumisigaw na rin ang mga estudyanteng nanonood. I decided to make a last shot para naman makanood ako ng maayos.
Myco's my subject now. Nasa amin ang bola and he's the one who's dribbling it. He jumps, making an attempt for 2 point shot. Itinapat ko sa kanya ang focus ng camera. Mabilis ang galaw niya kaya hindi ko nakuhaan ang pagbitaw niya sa bola.
The ball didn't enter the ring. He immediately grabbed the ball back.
Click.
Natigilan ako bago mabilis na tinignan ang kuha ko. At napatili ako nang makita kung gaano kaganda iyon.
"Kyaaaaah! Bes look oh, ang ganda ng kuha ko. Nirerebound niya iyong bola then nakuhaan ko 'yon!" kulang nalang umalon ako sa tuwa. Oh my! I'll develop a dozen of copy of this!
"Kleine for threeee points!"
Sunod kong narinig ay ang malakas na sigawan kasabay ng pagba-buzzer. Meaning tapos na ang laro and ...
OUR SCHOOL WON!!!!
__________________________________
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.