Ashtine Mae Sanchez
Nakakunot ang noo na hinila ko si Callea papunta sa lugar kung saan ko huling nakita sina Myco, pero kahit anong suyod ko sa paligid ay walang tao roon.
Nakakunot pa rin ang noo na nilingon ko siya, "Bes, wala ka bang nakitang tao rito? Wala kang napansin?"
"Wala." she flatly answered. Sandali ko pa siyang tinitignan bago sumusukong nag-iwas ng tingin.
"Gano'n ba? Sige, tara na." hihilain ko na sana siya uli nang mapatigil ako dahil sa vibration ng phone sa bulsa ko. Agad kong kinuha iyon at mabilis na tumalon ang puso ko sa loob ko nang makitang may text si Myco.
[Nasan ka? Nandito ako sa caf kasama sina Drake.]
Sandali akong napakurap bago nagreply na papunta na kami doon.
Kapansin pansin ang pananahimik ni Callea pero dahil may sarili rin akong iniisip ay hindi ko na pinag-tuunan ng pansin iyon. Pagbalik sa caf. ay agad kong natanaw ang likod ni Myco, kasama niya sa table sina Kiel pero tanging sa kanya lang nakatuon ang paningin ko.
Huminga muna ako ng malalim bago lumapit. Kung para saan iyon ay hindi ko rin alam.
"Nandyan na pala kayo." salubong niya nang makita ako. As usual sinalubong niya ako ng magandang ngiti. Pero bakit parang iba na ang ngiting 'yon kesa sa dati? Nginitian ko nalang din siya. "Hindi ko nakalimutan." bigla niyang sabi saka may nilagay sa kamay ko.
Isang medium sized na paper bag. Sinubukan kong buksan pero pinigilan niya ako agad.
"Mamaya mo na tignan." nakangiti pa ring aniya. Masyadong nakakaengganyo ang ngiting iyon that I found myself smiling back.
"Happy monthsary." mahina at nahihiyang bulong ko. Pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa loob ko habang sinasabi iyon.
Hindi ko rin naman nakalimutan, ngayon araw ang unang monthsary namin.
"Iyong regalo ko naiwan sa room, iaabot ko mamayang uwian." dugtong ko pa, "Thank you for this." bahagya kong inangat ang hawak ko.
"Tara." aya niya bigla saka biglang inabot ang kamay ko.
"Saan?" tanong ko naman habang nakatingin sa kamay namin.
Ashtine! Kanina lang halos umiyak ka na tapos ngayon kikilig-kiligin ka porque hinawakan lang ang kamay mo.
"Di'ba first monthsary natin ngayon? Ano bang ginagawa kapag monthsary?" sagot niya saka ngumiti ng malapad.
"Hmm saan tayo?" medyo excited kong tanong.
BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]