Chapter 27

3.6K 54 7
                                    


Akielo Flores


Dismissal time.


"Hoy Kiel, lipat na ng upuan. Doon sa bandang pinto." nagmamadaling utos ni Drake.


Sumenyas ako ng sandali,"Teka nga, matalas 'yung mata ni tanda eh."


"Ano ba kayo, tagal naman!" reklamo na ni Yuri. Medyo napalakas ang boses niya kaya sinaway namin. Hanggang maaari kasi kailangan naming hinaan ang boses namin.


Uwian na pero hindi pa kami makauwi. May isang extrang subject pa kasi eh. Elective subject. Tuwing thursday lang meron no'n.


Nakatago kami nina Drake at Yuri sa mga upuan sa bandang likod. Tatakasan namin si tandang may matalas na mata.


"Kiel, buksan mo na 'yan." utos ni Drake. Inabot ko naman iyong doorknob, sakto nakatalikod si tanda.


Naging magaan ang pagbukas ng pinto para sa'kin na ipinagtaka ko. Nag-angat ako ng tingin para lang magulat dahil nakatayo si Myco sa likod ko at hawak hawak niya ang doorknob ngayon, siya rin ang nagbukas ng pinto. Mas nanlaki ang mata ko nang balewalang dinaanan niya ako at lumabas, ni hindi man lang sumubok na magtago.


"Hoy bilis na!" pasigaw na bulong ni Yuri na halos itulak ako pasunod kay Myco.


Gusto ko na siyang singhalan pero mamaya na, kailangan muna naming makalabas. Parang mga siraulo na bigla silang nagtatalon nang makalayo kami ng kaunti sa room. Si Yuri ay may pa-palakpak pa.


Hindi ko naman sila inintindi dahil napako ang atensyon ko kay Myco. Nakatayo siya sa hallway at ilang hakbang din ang pagitan mula sa amin, nakatalikod siya at parang may tinitignan sa baba.


Curiosity strikes and I unconsciously went near the railing para silipin kung anong tinitignan niya. Napansin kong ginaya ako ng dalawa at biglang nakisilip din sa baba.


Sabay sabay naming sinilip ang elementary playground, iyon kasi ang makikita mula sa wing kung nasaan kami. May babaeng nakaupo sa swing, nakayuko at naglalaro ng lupa gamit ang paa niya.


"Si Ash ba 'yon?" takang tanong ni Yuri, sandali akong napatingin sa kanya saka binalikan ng tingin ang babae.


Sa buhok, kulay ng balat, at korte ng katawan, parang si Ash nga.


"Tara!" biglang aya ni Yuri saka mabilis na tumakbo papunta sa hagdan para bumaba. Mabilis kaming sumunod ni Drake sa kanya. 


Natinag si Myco mula sa pagkakatingin sa baba at napalingon sa'min nang marinig ang pagtakbo namin.


Ako ang nahuli sa aming tatlo, bago pa ako makalapit ay nasa harap na ni Ash iyong dalawa. Nakita ko pa ang gulat sa mukha niya nang makita sila.


"T-Teka, bakit kayo nandito? Elective time pa ah?"


Hindi nila sinagot ang tanong and instead, "Ash! Anong nangyari sa'yo? Bakit isang linggo kang hindi pumasok?" tanong ni Yuri. 


Tuluyan na akong lumapit sa kanila. Nakuha ko ang atensyon ni Ash at nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti. Binalingan niya uli si Yuri.


"M-May inayos lang ako." maiksing sagot niya.


"Sabi ni Lea may problema ka raw, pero hindi naman niya sinabi kung ano. Ano ba 'yon?" pagtatanong naman ni Drake.


Her smile faltered at bahagyang umiwas ng tingin. Napakunot ang noo ko nang mapansin na bagsak ang balikat niya at may iba sa mukha niya, lalo na sa mata.


Hindi niya sinagot ang tanong ni Drake.


"Ash tumataba ka ah." puna ni Yuri maya maya, umupo pa siya sa katabing swing nito at biglang sinundot ang tyan nito.


Ash flinched at gulat na napalingon kay Yuri.


"Yuri." saway niya.


"Sorry. Hehehe. Pero hindi nga, nagkakatyan ka."


Napasulyap ako sa tinutukoy ni Yuri, dahil nakasuot siya ng blouse ay halata nga iyon.


"Bakit ka pala naka-casu--"


Hindi ko na natapos ang itatanong nang bigla siyang tumayo. Halos hindi niya kami tinignan nang magsalita siya.


"Mauna na ako, mukhang matatagalan pa si Callea. Bukas ko na lang siya kikitain. It's nice to bump you here, guys." dire-diretso niyang ani na parang lupa ang kausap dahil doon nakapako ang atensyon niya.


Matapos no'n ay dinaanan niya kami at mabilis na naglakad palayo, ni hindi na namin siya nagawang sundan dahil sa pagtataka sa biglang inasta niya.


"Anong nangyari doon?" takang tanong ni Drake pero wala naman kaming nasagot dahil hindi rin namin alam.

_________________________________________

Fouled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon