Ashtine Mae Sanchez
Mabilis na lumipas ang mga araw. As in mabilis na noong nakaraan lang halos mabaliw na ako kakaisip kung paano ko ipapaalam na buntis ako tapos ngayon kabuwanan ko na.
Malapit na lumabas si baby.
"Ash, dapat naligo ka muna bago gawin 'yan."
Sita ni Myco, nagpla-plantsa kasi ako ng mga damit ng baby, masyado na ngang late eh. Dapat daw kasi mga isang buwan bago ang due date ko eh ayos ko na dapat ang mga gamit na kailangan ko pagkapanganak. Kaso ngayon ko palang naasikaso. Gusto nga sana ni tita na siya ang gumawa nito pero pinaubaya na lang din niya sa'kin dahil gusto ko rin itong gawin.
"Okay lang. Matutulog ka na?"
"Tutulong ako sayo." Prisinta niya saka kinuha ang damit na kakatapos ko lang i-plantsa.
Binawi ko sa kanya 'yon. "'Wag na, matulog ka na. Ilang gabi kang napuyat dahil sa requirement niyo, di'ba. Bumawi ka na ngayon ng tulog."
"Gusto ko rin gawin 'to." Sagot niya na kinuha uli ang damit. Bagong plantsa 'yon pero mukhang kailangan kong i-plantsa uli dahil gusot na kakaagawan namin. "Saka ako lang ba ang nagpupuyat dito? Anong tawag sa'yo na late nang natutulog kakabasa ng novels?" Dugtong niya na bahagyang nakausli ang labi.
Tuluyan na akong napatigil sa ginagawa saka inipit ang nguso sa pagitan ng dalawa kong daliri.
"U-Uhmpp.. A-aa! A-Aray! A-Ash!"
Binitawan ko rin naman kaagad siya. "Dami pa sinasabi, eh, dinamay pa libro ko."
"Eh, totoo naman. Natatakot nga ako na baka ikaw ang nagpupuyat pero sa baby mapunta ang eye bag. Posible ba 'yon?" Clueless niya pang tanong and I suppress a laugh.
"Puro ka kalokohan."
Binalikan ko na ang ginagawa habang sandali siyang nanahimik, pero maya-maya lang ay sinundot niya ang kanang pisngi ko mula sa likod. Nilingon ko ang gawi na 'yon pero wala siya doon. Automatic na napalingon din ako sa kaliwa at sinalubong ng pisngi ko ang labi niya.
"Myco!" Saway ko nang halikan niya ako sa pisngi. Hindi ko napigilan ang hindi matawa pero sa loob ko hindi lang basta tawa ang nararamdaman ko kung hindi tuwa.
Nakasanayan na namin ang ganito. Minsan parang mga batang nagbibiruan. Minsan asaran ng kaunti, unang mapikon edi pikon. Gano'n.
We are taking things lightly. Wala kaming napag-uusapang seryoso, katulad ng kasal o ano. At okay lang sa'kin 'yon dahil bawat araw naman na dumadaan hindi niya ako binibigyan ng rason para malungkot, tuloy nakukuntento na ako sa setup namin na ganito.
"Okay ka lang, Ash?" Tanong niya nang bigla akong manahimik, nawala rin bigla ang ngiti ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/5389436-288-k529623.jpg)
BINABASA MO ANG
Fouled Love
Literatura FemininaComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]