Ashtine Mae Sanchez
"Let's make a pie!"
"What about shake?!"
"Eh?! Mango float!"
"Aye! Aye! Sundae gusto nyo?"
"Quiet!" saway ng president namin. 2 days nalang at cook fest na pero wala pa kaming naiisip na i-present.
Walang pumansin sa kanya, tuloy parin ang ingay sa room.
"Cupcakes!"
"Cookies!"
"Salad!"
"Cake!"
"Fudge!"
Tama na! Ginugutom niyo 'kooooo.
Sobrang ingay na.
"Banana Split!"
"No! No! Peanut B---"
"QUIET!" mas malakas na sigaw ng president. Natahimik lahat. Minsan lang kasi siyang sumigaw pero kapag ginawa niya, matatakot ka. "Please, ako lang muna ang magsasalita. Mamaya na ang second opinion, okay?"
Then nag-start na siyang magsuggest ng desserts at mas lalo akong ginutom. Uwian na kasi pero iwan kaming lahat para sa meeting na 'to.
"Ash, naglalaway ka na." bulong ni Ethan sakin. Nilingon ko siya para bigyan ng masamang tingin.
"We will make macaroons and, hmmm... strawberry shake for the drinks. Ang treasurer and auditor na ang bahalang magkwenta kung magkano lahat ang gagastusin para doon. Then bukas ang contribution. Okay lang ba Ashtine and Ethan?" tanong ng president. Ako ang treasurer at ang katabi ko ang auditor.
Tumayo si Ethan saka nagsalute biglang pagsang-ayon. Ako naman nagnod lang. After no'n uwian na.
Pero dahil wednesday ngayon, isa ako sa cleaners. Buhay.
Time Check: 5:15pm
Anong oras na. Iniwan na ako ni Callea malamang, hindi pa naman marunong maghintay ang isang 'yon.
"Tama na 'yan, Ash. Uwi na tayo." aya sakin ng isa sa kaklase ko. Tumango ako sa kanya saka itinabi ang rug na hawak ko. Sinara ko nalang ang bintana sumunod sa kanya sa paglabas ng room. Ako ang nahuli kaya pinatay ko muna ang mga ilaw bago tuluyang lumabas.
"BOO~!"
"Mom!" napapikit ako ng mata kasabay ng pagtili.
BINABASA MO ANG
Fouled Love
Chick-LitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]