Ashtine Mae Sanchez
7:50 am
Oh my! Oh my! Oh my! Oh my!
OH MY GOD! Late na ako. Late na naman ako! Monday pa naman ngayon.
Late na akong nagising kaya eto ako ngayon, naghahabol ng oras. Pagkatapos kong magbihis at magsuklay ng buhok ay hinablot ko na lang basta ang bag ko saka patakbong bumaba ng hagdan.
"Lintian kang bata ka. Jusko wag ka namang tumakbo." saway sakin ni manang nang makita ako.
Kahit nagmamadali ay apologetic ko siyang nilingon. "Sorry po, late na po kasi ako eh." katwiran ko habang nagsusuot ng sapatos.
Napailing ako inwardly. Napakabait na kapatid ni Gail, hindi man lang ako ginising at nauna nang pumasok. Pagkatapos na pagkatapos kong magsapatos ay tumakbo na ako palabas ng bahay. Narinig ko pang tinawag ako para mag-almusal pero sa ganitong oras ay hindi ko na magagawa iyon.
Amethyst High.
Kahit anong pagmamadali ko ay hindi ko pa rin naabutan ang flag ceremony. At ang mga tulad kong late sa unang araw ng linggo ay makakatanggap ng isang oras na sermon mula sa principal sa detention room.
Automatic na absent ako sa first subject namin. Hay.
Ashtine naman kasi eh, pwedeng magpa-late mula Tuesday hanggang Friday pero bakit Monday pa?
Sinuyod ko ng tingin ang detention room. Hindi ako sanay na nadadala rito, hindi rin naman kasi ako nalilate talaga.
Pero masarap talaga matulog nitong mga nagdaang araw, siguro dahil sa panahon, malamig pa rin kasi eh.
Marami-rami ring students ang nandito pero hindi gaano kaingay dahil hindi naman halos kami magkakakilala, pero alam kong familiar naman kami sa isa't isa, hindi lang close. Pumili ako ng upuan malapit sa dulo habang hinihintay na dumating ang principal. Nananahimik ako sa isang sulok nang biglang may mukhang lumitaw sa harap ko mula sa likod.
"AHH!" gulat kong tili dahilan para mapalingon sa'kin ang ilang estudyante.
"Ashtine Mae Sanchez??" tanong ng ulong lumitaw sa harap ko. Maya-maya pa ay nagkaroon na rin siya ng katawan nang maglakad siya papunta sa tabi ko. Napaayos ako ng upo at sapo ang dibdib na napatingin sa kanya.
"C-Coleen!" frustrated kong angal. "Wag ka namang manggugulat!"
Nagulat pa ata siya nang nagsalita ako. "Ash! Ikaw nga talaga?!" tanong niya sabay lapit ng kaunti ng mukha niya sa mukha ko. Marahan kong itinulak ang mukha niya palayo. "Ashtine Mae, paano ka napunta dito?" mangha pa niyang tanong. Sasagot sana ako pero may naunang magsalita mula sa gilid namin.
BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]