Chapter 28

3.6K 56 2
                                    


Jessie Gail Sanchez


Thursday night. Walang magawa. Walang makausap kasi wala si ate. Wala ring matinong mapanood. Lahat ng makita ko o mahintuan ng mata ko nagsusumigaw ng salitang 'boring'.


When the phone rings agad akong napaayos ng upo saka inabot ang telephone na nasa gilid. Bigla ay nakita ko iyon as a scapegoat sa boredom na nararamdaman ko.


"Hello?"


[Gail?]


"Mama!"


Naexcite ako bigla at mas lalong napaayos ng upo. 


[Bunso, how are you? I miss you. You and ate. Ay, teka, parang bago 'to ah. Ikaw ang sumagot ng telepono. Let me guess, wala ang ate mo, ano?]


Natawa ako bigla sa walang preno na pagsasalita niya.


"I'm very much fine, 'ma. And right, wala nga si ate dito."


[Gabi na dyan, ah? Nasaan daw siya. May school work ba sila?]


Hindi ko alam ang isasagot kasi kahit ako hindi ko alam kung asan si ate. And hindi ko alam kung gumawa ba talaga siya ng project kasi hindi naman 'yon pumasok ng isang linggo, straight. First time niyang ginawa 'yon. Nang tanungin ko naman siya kung bakit hindi siya pumapasok, sinagot niya lang ako na may ginagawa raw kasi siya kaya napupuyat siya sa gabi at nali-late ng gising sa umaga. Magbibigay naman daw siya ng excuse letter though hindi ko alam kung paano niya iiexcuse ang sarili sa reason niya. 


Ang paalam naman niya kanina ay pupunta siyang school, wala siyang sinabi kung ba't siya pupunta. It's only 4pm nang umalis siya and now it's already 9pm pero wala pa rin siya. 


"Meron siguro" iyon na lang ang nasabi ko.


[Okay. Nga pala, how's your promenade? Hindi pa kayo nag-uupload ng pictures, wala tuloy akong makita.]


Sandali akong natigilan at napaisip kung may mga pictures ba kaming nakunan. Si ate ang mahilig kumuha ng pictures pero nang gabing 'yon mabigat ang pakiramdam niya kaya parang hindi ko siya napansing kumuha ng pictures. At ako naman ay na-busy sa pag-aasikaso sa kanya at sa pag-iwas kay Cyrus kaya hindi ko naisip na magpicture.


Anyway, "Next time po." sagot ko na lang.


[Alright. Uh, may sasabihin ako, bunso. I want it to be a surprise pero hindi ko mapigilan eh.]


"Ano po 'yon?"


And what she answered made me momentarily speechless bago ako biglang napatili ng sobrang lakas.

***


Ashtine Mae Sanchez


Fouled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon