Ashtine Mae Sanchez
"GAIIIILL!" tili ko habang katabi ko si Gail sa sala.
Matalim ang tingin na binalingan niya ako. "Shut up. Hindi ko marinig 'yong TV."
"Kasi naman ehhhhh!" kinagat ko ang throw pillow para pigilan ang kilig ko.
"Kadiri ka, ate. Palitan mo 'yang case niyan pagkatapos mong kagatin ah."
Tinignan ko siya ng masama saka hinampas gamit ang isa pang throw pillow. Napahiyaw siya sa lakas at hinampas ako ng doble ang lakas kesa sa paghampas ko sa kanya. Hindi na ako gumanti dahil magrarambol lang kami in the end.
Umupo nalang ako sa sofa at lumayo sa kanya. Napatitig ako sa kawala pero maya-maya parang sinisilihan na naman ang buo kong katawan.
Kasi naman eh. Feeling ko nakalutang ako. Hindi ko mapigil ang ngiti ko. Kahit na ba naisahan niya ako kanina... okay lang, masaya naman ako.
August 15, hindi ko makakalimutan itong araw na 'to.
"Ate, stop smiling. Mukha kang tanga, alam mo ba 'yon?"
Nilingon ko siya, kunot noong nakatingin siya sa'kin.
"Gail stop whining, panira ka ng happy thoughts, alam mo ba 'yon?"
"I don't care. Grabe ka, isang buwan palang siyang nanliligaw sinagot mo na agad." sabi niya na ang tingin ay hindi nahihiwalay sa TV.
"He tricked me kaya nangyari iyon. Pero hindi ko naman pinagsisisihan eh." then napasmile na naman ako. Kahit wala sa oras, mabuti na rin na siya na ang gumawa ng paraan para mapasagot ako, kung ako lang kasi, baka abutin kami ng taon.
May kaunti lang akong pagtataka, bakit parang minamadali niya ako?
Inalis ko nalang ang tanong sa isip.
"Pagsisisishan mo rin 'yan kapag nasaktan ka na, alam mo ba 'yon?"
Bigla akong binundol ng kaba dahil sa sinabi niya at sa paraan niya ng pagkakasabi no'n. Parang nagbabanta talaga, parang alam niyang mangyayari iyon.
Huminga ako ng malalim at pilit hindi intindihin ang sinabi niya.
"Kung badtrip ka wag mo akong idamay please. Good mood ako ngayon" dahil hindi ako mapakali sa sofa, sa sahig ako umupo habang kagat pa rin ang unan.
"GAIIIILLL!!" tili ko uli, this time niyuyugyog ko na ang legs niya.
"Ate nga!" naiiritang tumayo siya saka lumayo sakin.
Dahil naiinis na talaga siya ay umakyat nalang ako ng kwarto ko saka humiga sa kama. Binalik-balikan ko sa isip ang mga nangyari ngayon araw.
BINABASA MO ANG
Fouled Love
Literatura KobiecaComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]