Callea Clarkson
I am trying to find Ash dahil may hinahanap sa kanya ang teacher namin na dapat maibigay niya bago matapos ang lunch break. Alam ko nagmamadali siya kanina dahil magkikita sila ni Myco pero hindi ko lang alam kung saan.
Nasa court kaya?
Sinubukan ko na lang din silipin.
Papasok pa lang ako doon ay umalingawngaw na sa pandinig ko ang boses ni Drake. Mukhang sila ang naglalaro rito. Good.
Nagpatuloy ako sa paglalakad pero napahinto nang marinig ang sinabi niya.
"Kiel, Yuri last, part na ng bet. Dalawa na nagagawa ko, paano ba 'yan?" Maangas niyang tanong sa dalawa. Tatlo lang silang naglalaro at sa nakikita ko it's him versus Kiel and Yuri. "I already courted and made her my girl, patapos na rin ang 1 month na 'yon, so, ano na?" Aniya habang nagdidribble ng bola.
Bigla akong kinutuban ng masama sa sinasabi niya. Kunot ang noong tiningnan ko siya mula sa kinatatayuan ko. Kung tutuusin ay malapit lang ako sa kanila pero dahil nakatayo ako sa gilid ng bleachers ay nagmistulang divider ang entrance at ang mataaas na parte ng mga upuan para hindi nila ako makita. Isa pa ay nasa kabilang side sila ng court habang ang kinatatayuan ko ay kabila.
"'Wag kang mayabang, hindi pa tapos ang isang buwan." Sagot ni Yuri sa kanya.
"Isang linggo na lang naman, siguradong hindi makikipaghiwalay sa'kin si Callea."
"Eh kung makipaghiwalay?" Nananantiyang tanong ni Kiel at hindi ko narinig na sumagot si Drake. Maya-maya pa ay sabay humiyaw ng malakas ang dalawang lalaki. Hindi ko sila magawang silipin dahil natatakot akong makita nilang nandito ako, hindi ko malalaman ng buo ang pinag-uusapan nila kapag nangyari 'yon. "Laaaaaah, bakit ka natigilan? Hindi mo gusto 'yong ideya?"
"Hindi niya gustong makipaghiwalay si Lea sa kanya, ay!"
"G-Gago, tumigil kayo!"
"Mahal mo na, Drake?" Tanong pa ni Yuri at biglang nanikip ang dibdib ko.
Tingin ko nakukuha ko na kung anong nangyayari.
Maganda ka, Callea. Pero nakakagulat talaga na bigla kang napansin ni Drake. Si Drake na ang hilig sundan ng tingin ay iyong mga babaeng sobrang ganda. Ikaw hanggang ganda lang, hindi sobra.
Hindi mo rin masyadong pinansin na napakabilis ng kilos niya. Bigla ka niyang kinausap, sinabihan na gusto ka niya, tapos kayo na kaagad. Nakakatawang masyado kang bulag sa pagkakagusto mo sa kanya na hindi mo napansin na may mali sa nangyayari.
"Umayos ka nga. Hindi 'yan kasama no'ng pinagpustahan natin siya."

BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]