Chapter 41

4K 53 9
                                    


Jessie Gail Sanchez


[I couldn't go home Gail, sabi ko naman sa'yo 'yon, di'ba? Magsend na lang kayo ng pictures sa'kin through Facebook.]


Medyo nanghinayang ako sa sinabi ni mama pero pilit pa rin akong ngumiti sa kanya. Kausap ko siya through video call.


"Okay 'ma, pero mas maganda kasi kung makikita mo siya ng personal eh. Ang cute grabe."


[Hahaha, gano'n ba? Sayang naman, pero hindi talaga kaya eh, next year pa ang tapos ng contract ko. Ikamusta mo na lang ako kay ate, ha? I-kiss mo na lang din ako kay baby. Sige na, baby, may gagawin pa  ako. I love you, baby. You and ate.]


"Hindi na ako baby, Ma. Ang unfair, ha? Higit isang taon lang ang tanda ni ate sa'kin pero ako lang ang tinatawag mo na baby."


[I can't call ate a 'baby' kasi siya nga ang ate, ikaw ang bunso kaya ikaw ang baby.]


Napangiti ako. Natural nang sweet si mama pero may iba sa pagkakasabi niya no'n ngayon. Mas sweet.


"Okay, okay. Bye na, I love you too."


I was about to end the call but...


[Ah, wait, Gail.]


"Yes?"


[Take care always, okay? Don't talk to the persons you've just seen or met for the first time.]


My smile falters a little. Parang hindi lang siya basta nagpapaalala kung hindi nagbababala. Pero mabilis kong itinago ang reaksyon saka pilit na ngumiti sa kanya.


"Hind na 'ko bata, Ma. Iniba mo lang ang pagkakasabi mo pero 'Don't talk to strangers' lang din ang ibig mong sabihin."


[Haha, alright. Bye, baby]


"Bye, Mama."


And the call ended. Imbis na bumalik kaagad sa room ni ate, napa-stay pa ako sandali dito sa lobby ng hospital. Napaisip ako sa sinabi ni mama, I know she didn't say that out of sheer randomness. May ibig siyang sabihin.


Unconsciously ay napatingin ako sa paligid. Naging conscious ako sa mga tao sa paligid ko. My mind's being imaginative all of a sudden, iniisip ko na isa sa mga tao rito, binabantayan ako.


Natauhan lang ako sa ginagawa nang makita ko si kuya Kiel at makita rin niya ako. Nilapitan niya ako at itinanong kung anong ginagawa ko rito. Maya-maya pa, sabay na kaming bumalik sa kwarto ni ate Ash.

***

Ashtine Mae Sanchez


"Ash, ako naman kakarga." Halos nakalabi nang request ni Myco habang karga ko si Callix.

Fouled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon