Ashtine Mae Sanchez
"Ano ka ba! Ginulat mo ako!"
"Ba't ngayon ka lang?" Tanong niya uli.
"May ginawa lang." Sagot ko.
Tiningnan ko siya at nang mapansin ko na mapungay ang mga mata niya ay inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko saka hinipo ang noo at leeg niya. Napaigtad siya.
"Ano ba?"
Siguro nagulat siya dahil bigla niyang tinabig ang kamay ko. Nagulat ako pero hindi na pinansin iyon.
"Mainit ka. Anong ginawa mo ba't magkasakit ka?"Tanong ko habang itinatabi ko ang mga gamit niyang basta na lang ata hinagis.
"Hindi ko alam." Sagot niya na umayos ng higa sa sofa. Ipinikit niya ang mata niya at mukhang matutulog.
Hinayaan ko na lang siya. Nang atapos ako mag-ayos ng kalat niya ay binalikan ko siya. Hinipo ko uli ang noo at leeg niya, talagang mainit.
"Di ka na bata pero nagkakalagnat ka pa. Ano bang pinaggagawa mo?" Bulong ko, hindi ko alam kung siya ba ang kausap ko o ang sarili ko.
Matapos siyang tingnan sandali ay pumasok naman ako sa kwarto para magpalit ng damit. Habang nagbibihis ay isipin ko kung anong ipapakain sa kanya. Sopas? Lugaw? O kahit anong may sabaw?
Paglabas ay sandali ko pa uli siyang sinulyapan sa sofa saka pumunta sa kusina. Kahit papaano ay marunong akong magluto dahil maaga kaming natuto ni Gail sa mga gawaing bahay dahil nga wala naman kaming maaasahang magulang, malayo si mama. Pero sa aming dalawa ay siya ang mas magaling at puro basic lang ang alam ko. Kagaya nitong arozz caldo.
Matapos lutuin 'yon ay naghain ako at naghanda ng gamot para sa kanya. Lahat 'yon dinala ko sa sala saka tumayo sa harap niya.
Ngayon ko lang naisip, bakit pala hinayaan ko siyang matulog dito eh may kwarto naman siya?
Napailing ako sa sarili saka siya ginising. Tinapik ko ang binti niya at nang hindi natinag ay yinugyog ko na.
"Myco? Myco? Gising muna..." Tinapik ko na rin ang braso niya pero walang epekto. Inulit-ulit ko ang ginagawa pero naalimpungatan lang siya saka bumabalik sa pagtulog. Sa inis ay umupo ako tabi niya pero sa sahig. Patagilid siyang nakahiga at nakaharap ngayon sa akin. Ang braso niya ay nakatakip sa mata niya at sa mukha niya ay labi lang niya ang nakikita ko. Hindi ko alam pero napangisi ako. "Kakatulog mo nang malalim mamaya hindi mo alam nanakawan na kita ng halik." Bulong ko sa sarili habang nakatingin sa mapula niyang labi. Maya-maya pa ay napailing ako sa sarili. Tumigil ka nga, Ash, kalandian mo rin, eh. Tch. Lumunod ako sa harap niya saka bahagyang inilapit ang mukha ko sa pisngi niya, ang intensyon ay gisingin siya sa tainga.
Pero hindi pa ako nakakabwelo para magsalita ay bigla niyang inalis ang braso niya sa mata niya. Agad kong nakasalubong ang paningin niya. Biglang nanlaki ang mata ko at nanigas sa pwesto ko habang siya ay biglang ngumisi kahit pupungay-pungay pa ang mata.

BINABASA MO ANG
Fouled Love
Chick-LitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]