Callea Clarkson
In the middle of a boring class, nakareceive ako ng message from Yuri.
[Oy mga ninang, ninong. Naglilabor na si Myco, hehe.]
Siraulo. Wala na naman sigurong magawa 'to.
Naiiling na inilapag ko uli ang phone sa desk at bahagyang natatawang ibinalik ang paningin ko sa instructor sa harap pero pag-angat ko ng tingin bigla kong narealize kung anong ibig sabihin ng message niya.
Si Ash 'yong tinutukoy niya, tanga!
Napaayos ako ng upo at kinuha uli ang phone ko. Sa ginawa kong pagkilos ay nakuha ko ang atensyon ng mga katabi ko pero hindi ko na pinansin at mabili na ni-replay-an si Yuri.
[Nasang hospital sila?]
[Villegas Medical.]
Excitement rushed through me. Pilit kong ibinalik ang atensyon sa klase pero lumilipad pabalik kay Ash and sa palabas na baby ang isip ko.
And tingin ko ang sumunod na isa't kalahating oras ang pinaka matagal na klase na inupuan ko.
Nang matapos ang major subject na 'to ay nagdecide akong 'wag nang umattend sa next class tutal minor lang naman 'yon at minsan hindi pumapasok ang professor, baka masaktuhan kong absent din siya today. Hindi ko na hinintay kung papasok siya o hindi at umalis na ako ng school.
Coleen's texting me while I'm on my way, nasa hospital na raw sila ni Yuri.
Ashtine delivered already.
Hindi ako ang magulang niya o ni Myco but I feel very proud that she did it and she made it. Ngayon hindi na ako makapaghintay na makarating sa ospital.
Sa lobby ng ospital ay nakasabay ko pa sina Kiel at Drake. Saglit ko lang na pinansin si Kiel, hindi ko na tiningnan si Drake dahil may kausap sa phone niya.
Sa room na kami dumiretso, ako ang nauuna. Sa hallway palang ay nakasalubong na namin ang parents ni Myco at si Jessie Gail, pababa raw sila sandali at puntahan na lang namin sa room sina Myco, nandoon din ang baby.
Kung hindi ko napigilan ang sarili ay baka tumakbo na ako papunta doon.
"Congratulations." Masayang bati ko kay Ash nang makapasok sa room, hindi ko nilakasan ang boses dahil baka mabulabog ang baby na ngayon ay karga niya.
Lumapit ako sa kanila at tumayo sa tabi ng bed niya, nilingon niya ako at ang ganda ng ngiti niya. Iba rin ang kinang sa mata. Hindi man lang bakas ang pagod sa mukha niya, parang walang nangyari at hindi nanganak, para lang niyang kinarga ang bata mula kung saan.
![](https://img.wattpad.com/cover/5389436-288-k529623.jpg)
BINABASA MO ANG
Fouled Love
ChickLitComplete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash and Myco's story.]