SIMON'S MANSION
I hate first day... yes! Today is another first day of school. Ginising na naman ako ng maaga ni Yaya Rose. Geez! 6:00 am?! That's too early! Napatingin ako sa salamin sa banyo ko.
Halos di ko pa mamulat ang mata ko. Hi, I'm Ashton Christian Laurent - 18 years old. Nagtataka kayo kung bakit nasa bahay ako ni Mr. Simon? Oo hindi niya ako anak pero anak ako ng asawa niya. My dad passed away before I was born at bago ako mag two years old ay ikinasal na siya kay Richard Simon. Buti na lang at hindi ako inadopt ni Mr. Simon kundi Simon din ang family name ko.
hindi kami close ng step father ko... pero sa dalawang kapatid ko super close kami - sina Andrei Simon, 14 years old at si Stephanie Simon, 13 years old.
Matapos kung tingnan ang sarili ko sa salamin ay tumuloy na ako sa loob ng shower. Two years na lang at ga-graduate na ako sa college. Ilang minuto din ako sa loob ng shower.... Siguro mga thirty minutes kasi naririnig ko na si Mommy... nasa loob ng room ko.
"Ashton, are you still sleeping? Come on. Don't be late on first day!" sigaw ni Mommy.
Tss... akala mo naman first day ng first year.
Geez... please I don't want to be interrupted during my bathe!
Siguro nga five minutes matapos ng sigaw ni Mommy saka ako natapos at nagbihis. Inis na inis ako habang sinusuot ang necktie ko. then, my phone rang - si Adrian, my cousin, anak siya ni Tito Archie - kapatid ng dad ko. si Tito ang President ng school namin ang Angelo Laurent University or AL University. Isang prestigious school. Meron din akong mamanahin na shares sa school pag-abot ko ng 21.
"Ian!" Yes, Ian ang tawag ko siya at ng mga kaibigan namin.
"I heard dito mag-aaral sa AL ang step sister mo."
Napakunot noo ako. Step sister.... Step sister???
YEAH! I forgot.... Si Josephine Wilhelmina Simon... Tss... ang anak ni Mr. Richard Simon. Nakilala ko na siya dati noong nine years old pa ito.
Medyo maliit ang mukha pero napakapayat, ang kapal ng eye glasses nito. Pag ngumiti hindi nakakatuwa dahil medyo hindi maganda ang crooked na ngipin nito. Maputi pero parang maputla masyado parang malnourished medyo magulo ang buhok at dry. Pss... ibig sabihin - PANGET!
Dinala ni Mr. Simon's minsan sa bahay pero isang beses lang nangyari. Nag sleep over minsan sa bahay, natakot pa nga noon si Stephanie, ang pangit daw ng Ate niya. bagay sa na umextra sa isang horror movie. Kumusta na kaya ang mukhang bruha na iyon? Naalala ko pa nga mukhang may crush iyon sa akin. Kasi noong magkamay kami halos hindi na mabitiwan ang kamay ko.
"I don't care... just act like you don't know her, okay!"
"I really don't know her kaya... just the name lang." saka pinatay na ni Ian ang tawag.
Tss... ang pangit na iyon nasa school?
Well, dapat lang naman talagang ilagay ni Mr. Simon ang anak niya sa isang prestigious school. Naman ang alam ko sa isang public school lang nag-aaral iyon.
Tss... mamaya ko na lang siya iisipin. Baka malate pa ako at hindi ko masabayan sa pagdating sina Adrian. Kaagad na akong bumaba para kumain naroon na ang buong pamilya ko - pati si Mr. Simon.
"Good Morning, Everyone." Kaagad akong humalik kay Mommy, Stephanie at Andrei.
"She's attending the same school with Ashton?" tanong ni Mommy na nakatingin kay Mr. Simon.
Tumango lang naman si Mr. Simon.
"Ashton, dapat maging friendly ka kay Wilhelmina."
Hindi ako sumagot. Friendly sa babaeng iyon na PANGET?! Geez... ayoko nga!
"Dad, matagal ko nang hindi nakikita si Ate, You know I want to shop with her para naman magkaroon siya ng sense of style." Nakangiting sabi ni Stephanie. Naaalala pa pala niya yung kapatid niyang walis tingting.
"Your sister is old enough to get that, besides looks are not always important. Just mind your own business." Malamig na tugon ni Mr. Simon. Napabusangot naman si Stephanie.
"Hon, dapat nag bo-bonding itong si Stephanie, Andrei at Wilhelmina."
"Okay fine, I'll ask her later." Saka tumayo na si Mr. Simon. Tapos na itong kumain.
Napailing na lang ako. Hindi ko talaga matimpla ang mood ng matandang iyon, minsan mabait, sweet at joker. Minsan cold at seryoso. Siguro dahil na naman sa anak niya at sa nanay nito. Ang mga ito lang naman ang nagpapainit ng ulo nito. Masyadong mapride ang mag-ina. Ayaw tanggapin ang tulong ni Mr. Simon. Tss... kakaiba nga sila.
JOSEPHINE'S PLACE
You can call me Joe or Yeng... pero Josephine Wilhelmina Simon ang buong pangalan ko pero mas okay kung Josephine or Joe, 16 years old na ako at dream come true na papasok ako sa AL University. Pero itong si nanay parang timang... halos ayaw tanggapin ang tulong ni Tatay.
Tuloy palaging mainit ang ulo nito pag pupunta ito sa kanilang bahay... GRRR!!! May pera si Tatay at responsibilidad niyang tulungan ako. Si Nanay minsan naiiinis ako sa kaniya. pero love ko pa rin ang Nanay ko.
Buti na lang adopted ako ni Tatay as his daughter kaya dala ko itong apilyedo niya. Five thirty pa lang ng umaga gising na ako. Nakapagsaing na ako ng kanin, nagpakulo na ng tubig at nagluto ng almusal. Kagabi pinalansa ko na ang uniform ko.. BS Finance ang kinuha ko sa AL. galing ko noh! Hahaha... hindi sa pagmamayabang matalino kaya ako... sayang naman ang nerdy look ko kung mukha lang akong matalino.
Siya nga pala - ka eskuwela ko na pala ang guwapong step brother ko... waaahhh!!! Super guwapo talaga nun... hindi ko malilimutan kung paano niya hinawakan ang magasapang kong kamay at ang kaniyang kamay mas malambot pa sa akin at ang bango niya. ako naman noon mukhang dugyot kasi naman lumayas ako noon sa bahay kasi nag-away kami ni Nanay. Alam ko! hindi dapat inaaaway ang mga magulang kaya lang nagalit kasi si Nanay ng malaman niyang nakikipagkita ako kay Tatay. Sumama talaga ang loob ko kay Nanay noon.
Isang linggo akong palaboy noon kasi walang kaibigan na gustong magpatira sa akin. Tumira ako doon sa bahay nila ng isang araw tapos si Nanay nagkasakit na pala sa kahahanap sa akin. Buti na lang pala at lumayas ako noon kaya pumayag siya na sustentuhan ako ni Tatay. Buwahahaha!!!
Ganito lang ang itsura ko pero galing ng utak ko eh... pero ang hirap kaya maglayas at magpalaboy laboy sa daan. Nakakatakot at nakakapanghina ng loob.
Kung dati Kailangan kong gumawa ng basahan at ibenta iyon at kung ano-ano pang nilalako ko sa daan - ngayon wala na kasi merong ibinibigay si Tatay eh.
Napatingin ako sa relo, katapos ko lang mag bihis ay - shet! Alas sais y medya na! naku...
"Nay! Alis na ako... gising ka na, okay!" sigaw ko.
Nagising na nga si Nanay. Pakusot kusot pa ito sa mata niya.
"Yeng, O heto na baon mo bente pesos." Yeng ang tawag ni Nanay sa akin pero my friends calls me Joe.
"Nay naman eh! Anong akala mo sa akin high school pa rin. Dagdagan mo na! mga one hundred."
"Diyaskeng bata 'to. O heto na, alis ka na!" taboy ni Nanay sa akin. Humalik muna ako sa noo ni Nanay.
"Ligo ka, Nay! Amoy laway ka eh." Biro ko. nasapak tuloy ako bago ako umalis.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)
Dla nastolatkówLumaki si Ash na ang kinikilalang ama ay ang kaniyang step father na si Mr. Richard Simon. Until, he met Josephine Wilhelmina Simon ang anak ni Mr. Simon sa ibang babae - His Nerdy Step sister. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, ch...