JOSEPHINE'S POV
"GISING NA!"
SHIT! Nananaginip pa yung tao e! sino ba yung sumigaw kay aga-aga!
"GISING NA!"
Napaangat ako ng tingin. Buwiset! si Mariel. Kasama sina Mary, Lanie at George. Napatingin ako sa alarm clock na nasa bed side table ko - 5:30 am pa lang!
Teka! Anong ginagawa nila sa bahay namin? paano sila nakapasok ng ganito ka aga?
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila. napahawak ako sa gilid ng labi ko baka may laway pa ako sa pisngi ko.
"Diba ito yung oras ng gising mo dati pag nagpupunta ka ng school? Kaya gising na may throwback pictorial tayo para sa wedding nila Jeff." Si Lanie.
Napakunot noo ako. ano naman ang kinalaman ko sa throwback pictorial na yan?
"Come on, makisabay ka na lang. nandyan pa yung old uniform mo. Alam ko kasya pa rin yun sa'yo." Sabi pa ni Mary. Napakamot na lang ako sa ulo ko.
Kaagad akong naligo at nagbihis. Napangiti ako ng masuot ko yung uniform ko. kasya pa nga sa akin kaya lang masyadong sexy ang dating kasi umiksi na yung palda at medyo nagkalaman na ako. pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ang blower tapos ipupusod ko na sana ang buhok ko ng biglang hinawakan ni Mariel ang buhok ko.
"Oops! Dapat naka tirintas yan." tapos tinirintas niya ito. matapos niyang itirintas ito ay napahawak si Mariel sa kaniyang baba. "Ah! Got it!" kumuha siya ng walang gradong salamin at isinuot iyon sa akin.
Napa correct na kasi ang eye sight ko kaya 20/20 na ang vision ko. hindi na Kailangan ng contact lens.
"Wow ha! so pasusuotin niyo din ba ako ng dental braces." Natatawa kong sabi.
"Hala! okay na yan. Hindi kami ready para sa braces e!" napakamot sa ulo niya si Mariel.
Nakita kong nakatingin lang sa amin sina George, Lanie at Mary. "Parang ang ganda pa rin niya."
"Hoy! Maganda na ako dati noh!" sabay flip ko pa sa nakatirintas kong buhok.
"HAHAHA! Well maganda ka talaga pero may pagkamanang. Wew! Ang ganda ng legs natin ang sexy. Dapat nga nagpagawa tayo ng bagong palda." Sabi ni Lanie na ngumingisi. Baliw din ang isang 'to eh!
"Oo nga baka pagnakita yan ni Ash sabihin na naman niya na maganda si Josephine pero mas maganda daw kung nakahubad." Natatawang sabi ni George.
Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni George. Si Mary naman ay napatakip sa bibig niya na nakanganga. Si Mariel ay biglang sinundot naman ako sa beywang.
"Hala! may hubad hubad na palang stage kayo dati huh!"
Naramdaman kong namula ang mukha ko. hala! anong pinagsasabi niyang si Ash na maganda ako kung nakahubad. E hindi pa naman niya ako nakikitang hubad maliban na lang kung ---- OMG! SINISILIPAN BA NIYA AKO PAGNALILIGO O SA KUWARTO KO?!
"W-WALANG GANOON! VIRGIN PA PO AKO!" nayakap ko na lang ang sarili ko.
"Hahaha! Nakakatawa! Kung alam mo lang priceless ang reaction mo girl!" panay ang tawa ni George parang mamamatay na ito sa kakatawa.
"Maginoo pala si Ash. magpinsan talaga sila ni Adrian." Nakangiting sabi ni Mary.
"Virgin ka pa girl?" tanong ni Mariel.
Walang kyemeng tumango naman si Mary kay Mariel.
"E-eh... ikaw Lanie?"
Nanlaki ang mata ni Lanie dahil sa tanong ni Mariel. Nakita kong nag blush siya.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Ash na ang kinikilalang ama ay ang kaniyang step father na si Mr. Richard Simon. Until, he met Josephine Wilhelmina Simon ang anak ni Mr. Simon sa ibang babae - His Nerdy Step sister. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, ch...