CHAPTER 23

1.9K 90 1
                                    

Everything seems fine. Si Liam mukhang okay na. okay naman kaming dalawa ni Ash. Maliban lang dun kay Lanie na hanggang ngayon parang baliw. Masyadong iniisip yung nangyari sa dinner date nila noong sabado.

Naikuwento kasi ni Lanie kay Jeff at Mariel. Akalain mong nag exchange sila ng fiancé ni Liam at ang highlight ng gabing iyon ay silang dalawa na ang ipagkasundo ng mga magulang nila. nag backfire nga daw ang ginawa ni Lanie. Hindi naman daw niya alam na close pala itong parents ni Liam at parents niya.

Mukhang naaliw din ang sina Ash doon sa story nila Liam at Lanie. Si George nga winelcome na sa pamilya nila si George. Remember asawa ng kapatid ni Liam ang Ate Dominique ni George.

I can't help but to laugh. Ang saya ko para sa mga kaibigan ko. guwapo si Liam at tiyak na soon magkakagusto din sila sa isa't isa.

Naglalakad na ako sa isang tahimik na corridor papuntang A&A ng biglang may nakita akong apat mga babaeng nakatayo. Ay naku! Sila yung babaeng humabol noon sa akin noong first day. Kahit hindi na nila ako ginugulo mula noon ay palagi nila akong tinitingnan ng masama.

Alam kong galit sila dahil kaibigan ko ang mga sikat sa school at masyado silang bitter. Nginitian ko sila ng dumaan ako.

Nakalampas na ako ng biglang nagsalita yung pinaka leader nila si Selene.

"If you think na okay na ang lahat dahil girlfriend ka na ni Ash at kaibigan mo sina George, nagakakamali ka. I know something about you're little secret."

Napakunot noo ako. kaagad akong lumingon sa kanila. anong secret? Ang tungkol ba sa parents ko ito?

"Secret?"

"Oh no! not your secret but secret niyo nila Liam and Justin."

Nanlaki ang mata ko. Damn. paano nila nalaman ang tungkol doon. Oh my! I'm doomed it's RALPH

How we can be so careless about it! Hindi namin inisip ni Justin na puwede itong mangyari.

"Anong secret ba yang sinasabi mo?" pinilit kong huwag ipakitang natatakot ako sa sekretong iyon.

"About his being your secret admirer. Tiyak na hindi magiging masaya si Ash pag nalaman niya ito." Then nag smirked pa si Selena at ang mga alalay niya.

"Hindi yan totoo! Sige gumawa ka ng kuwento bahala ka sa sarili mo." Akmang tatalikod na ako ng magsalita ulit si Selena.

"Alam mo. Hindi lang kay Liam puwedeng magalit si Ash. Sa'yo at kay Justin din. Tiyak na kakampihan ng marami si Ash and tiyak na magiging mahirap ito kay George."

Napapikit ako. wala naman kaming ginawang masama para magalit si Ash. Ano kung nanligaw si Liam sa akin? hindi ko naman gusto si Liam, kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya.

Napalunok ako ng laway. Saka tinignan si Selene at mag alipores niya.

"Wala akong kasalanan kay Ash at bahala ka kung gusto mong sabihin yan sa kaniya." tapos noon ay hindi na ako nagdalawang isip na tumalikod na.

Nang bahagyang nakalayo na ako sa kanila ay hindi ko na mapigilan ang panginginig ng tuhod ko. damn. anong gagawin ko? dapat ko na bang sabihin kay Ash?

Naguguluhan ako. natatakot ako.

***

Kaagad akong nakipagkita kay Justin at Liam. I'm scared. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ako na ang magsasabi sa kaniya." sabi ni Liam habang nakatingin lang sa pagkain na nasa harap namin.

"Lagot talaga yang Ralph na yan! how dare him tattle this to Selene! Malaking problema talaga 'to." Hindi na napigilan ni Justin na mapasuklay sa buhok niya. gulong gulo na ang buhok niya dahil sa inis.

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon