CHAPTER TWO
Tumakbo ako papuntang school kasi naman malapit lang ang bahay naming sa school nga 25 minutes walking distance lang. Pero hingal na hingal ako. Pss... papayag ata pa ako nito lalo. Nakangiti akong pumasok. Hehehe
Nag tanong ako sa isang security guard kung saan itong room ko. pambihira hindi ko talaga kabisado pa ang school isang beses pa akong nakapasok dito eh. Kaagad ko namang nakita yung room ko. ang aga ko sa school pero yun pala ay orientation day daw ngayon kaya umikot ikot kami sa school.
"Students bawal kayong pumunta sa dulo ng school sa west side. May nakalagay na A&A - strictly prohibited ang pagpunta doon. Maliban na lang kung invited kayo, okay?" sabi ng nagtour sa amin.
"Okay!" sagot naman namin.
Ilang beses pa kaming nag-ikot.
Well, impressive talaga itong school na ito kaya nga dream school ko ito eh. Ang cafeteria ang ganda at ang dami ng foods kaya lang ang mamahal yung baon kong one fifty nako baka deserts lang ang mabili ko. at ang clinic nila parang hotel, parang gusto ko tuloy magkasakit at matulog doon. Hahaha.
Tapos ang computer room wow! Doon ako tatambay every free time! Ang ganda ganda kaya... tapos pumunta kami sa may gym, may swimming pool at saka may garden sa malapit na ang ganda-ganda. I love this place talaga!
Pagkatapos ng tour ay bumalik kami sa aming classroom. Hay! may klase kami sa Accounting for finance at may introduction pang nalalaman. Ang sosyal naman ng mga classmates ko ang iba nag-aral sa America, sa London at iba pa. pero ang karamihan sa kanila sa kanila sa ALU nag graduate. Kinabahan ako ng ako na yung tinawag ng aming professor.
"Hi, I'm Josephine Wilhelmina Simon -." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang tumayo at nagsalita ang isang babae.
"Simon? How are you related with Mr. Richard Simon?" tanong ng isang masungit kong kaklase. Mukhang maarte.
"He's my father."
Parang shock na shock ang mga kaklase ko, tapos nagbulungan sila. Sinita sila ng professor ko.
"Galing ako sa public school yung malapit dito -." Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko kasi umepal na naman si Maarte Girl.
"Yuck! Ang anak ng isang Simon nag-aral sa isang public school?"
"Anong yuck sa public school? Ang yuck yung mga taong mapanghusga na walang alam. Tulad mo Miss, you don't know anything about public schools." Inis kong sabi.
Kasi kung maka yuck parang nag-aral sa public school if I know hindi niya kakayaning tumuntong sa public school dahil sa kaartehan niya parang hindi naglalakad sa lupa. Parehong nasa lupa naman ang mga schools ah.
Naku! Pektusan ko itong isang 'to!
Hindi na nagsalita at umupo na yung epal na girl. Tapos umupo na rin ako. Ayaw ko nang magsalita kasi naiinis na ako. Baka ano pang masabi kong masama.
Natapos ang klase na banas pa rin ang sa kaartehan noong babae. Akala mo naman kagandahan!
Nang palabas na ako ay may tumulak sa akin ng malakas... shet! Malapit akong natumba! GRRRR!!! Galit kong hinarap yung nagtulak sa akin.
Yung maarteng babae! "Hey! You nasty thing... how dare you insult in front of my friends!" galit na sabi nito. Sorry kung insulto pala para sa kaniya yung sinabi ko kasi naman siya ang nauna eh.
"Ako nasty thing?! G*ga ka pala eh, kung hindi mo ako ininsulto kanina eh hindi kita pagsasabihan... ikaw sino ka ba para barahin ako kanina? Ikaw ba ang may-ari ng school... hoy! Fully paid ang tuition ko dito ha!"
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Ash na ang kinikilalang ama ay ang kaniyang step father na si Mr. Richard Simon. Until, he met Josephine Wilhelmina Simon ang anak ni Mr. Simon sa ibang babae - His Nerdy Step sister. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, ch...