CHAPTER 19

2.3K 64 0
                                    

SATURDATE

ASH'S POV

Niyaya ko si Josephine na mag date kami. Bumili ako noong isang araw ng dalawang pair ng couple shirt. Yung isang couple shirt ay color pink. May nakalagay sa shirt ko ay she's mine at sa kaniya ay he's mine. Ibinigay ko na rin sa kaniya yung ladies watch na partner nung watch ko.

Napangiti ako ng makitang bumaba na siya sa hagdanan at suot na iyon couple shirt na bigay ko sa kaniya at yung relo. Ang cute niyang tingnan sa color pink, bagay na bagay sa kaniya.

Parang nag slow-mo siya sa paningin ko. ang ganda talaga ng babe ko.

"Oh, saan kayo pupunta?" pss... panira naman ng moment itong si Mommy!

"Sa mall, mom." Sagot ko kay mommy. Nakangiting lumapit si Josephine kay mommy at humalik sa pisngi nito.

"Babalik kayo sa mall kung saan ka nabaril?"- Mommy.

"Sa mall kami ng parents ni Jayden pupunta." - ako.

"Okay, take care of Josephine. You two have fun." Nakangiting sabi ni Mommy saka um-exit na.

Kaagad kong hinawakan ang kamay ni Josephine. Ang lamig ng kamay niya.

"Bakit ang lamig ng kamay mo?"

"A-ah wala." Bahagya pa siyang nag blush. Takte naman! Lalo ata siyang naging maganda sa paningin ko.

"Huwag kang kakabahan dahil hindi ako papayag na may sumira na naman sa date natin." Saka pinisil ko ng mahina yung tungki ng ilong niya.

Ngumiti siya. hindi siya nakasalamin ngayon kaya kitang kita ko yung mata niya. mas nakikita kong umaabot sa mga mata niya yung mga ngiti niya. Damn, I loved it when she's smiling because of me.

Nagpunta kami sa mall at saka niyaya ko siyang kumain. Then ng mapadaan kami sa isang bookstore ay pumasok siya doon. Tuwang tuwa siya ng makakita ng maraming libro. Siguro more than 30 minutes din kaming tumambay doon sa loob ng bookstore at ang dami niyang biniling libro.

Tapos pumunta kami sa isang malapit na amusment park. Bumili ako ng card na ride all you can. Sumakay kami ng ferris wheel, roller coaster, carousel at noah's ark. Kahit takot na takot siya ay game na game siyang sakyan lahat ng rides, kahit natatakot siya ay hindi siya sumisigaw at pinipigilan niya ang kaniyang sarili na tumili.

"Babe ko, puwede kang sumigaw pag takot ka." Sabi ko sa kaniya.

"Ayoko." Sagot naman niya sa akin.

"Okay lang na matakot ka. Nandito naman ako eh. Puwede mong hawakan ang kamay ko." saka hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya saka ko dinala iyon sa labi ko at hinalikan ko ang likod ng kamay niya.

"Ash, salamat kasi dinala mo ako dito. first time ko." nahihiya niyang sabi.

"Talaga first time mo?" hindi talaga ako makapaniwala na first time niyang makapunta sa isang amusement park.

"Kasi si nanay, hindi niya ako masyadong nilalabas noon."

Inilagay ko yung isang kamay ko sa ulo niya at saka ko hinalikan ang noo niya.

"Simula ngayon puwede mong sabihin mo sa akin kung anong gusto mong gawin. Gagawin natin yung mga dating hindi mo pa naranasan." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Uhmm... sige gusto kong pumasok sa isang horror house." Nakangiti niyang sabi.

Napalunok naman ako. medyo madilim sa loob ng horror house, medyo takot kasi ako sa madidilim na lugar. Pakiramdam ko may multo. Aaminin ko na takot ako sa muto, naniniwala ako sa multo dahil noong bata pa lang ako ay nakakakita ako ng multo pero ngayong hindi na. tumawa ako ng bahagya.

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon