JOSEPHINE'S POV
Mula ng magpaalam si Ash na manliligaw siya sa akin ay everyday akong nakakatanggap ng bouquet of red roses mula sa kaniya. Teka apat na buwan na pala siyang nanliligaw buti nga hindi niya ako kinukulit kong kailan ko siya sasagutin. Busy pa ako sa final exam naming eh. October na kasi tapos vacation na sa third week ng October. Yes! Break time!
Palagi kaming sabay ni Ash na dumarating sa school tapos sabay din kaming umuuwi. Pag maaga natatapos ang klase ko ay kaagad akong pumupunta sa A&A. Siya nga pala sa mga curious kung ano ang meaning ng A&A - Angelo & Archie daw ang meaning. Favorite place daw ito ng magkapatid na Angelo at Archie. Puwede naman daw Ashton & Adrian kasi naman sila na ang nag occupy doon. May tatlong kuwarto doon at puwedeng matulog may living room at saka kitchen. May isang plasma t.v, dvd player at kung ano-ano pa. may billiard ball sa may sala at may maliit na pool sa may garden.
Papunta pa lang ako ngayon sa A&A, nanduon ang bigay sa aking flowers ni Ash kanina. Hay! Dapat sinagot ko na si Ash para hindi na ako nagseselos sa mga babaeng lumalapit sa kaniya.
Humiling na naman pala ng chocolate cake si Liam kaya gumawa na naman ako pero gumawa rin ako ng mas malaking cake para kay Ash. Hindi puwedeng si Liam lang ang gawan ko dahil magseselos na naman si Ash.
Nagulat pa ako ng makitang may ibang tao ang naroon sa A&A. Isang babaeng parang cosplayer - kasi naman nakapag uniform pero ang iksi ng skirt parang sa anime mo lang makikita ang ganoong style, tapos naka long sleeves at saka mahaba ang itim na itim niyang buhok. Nakatalikod siya sa akin at nakatingin sa dalawang karton ng cake na gawa ko.
"Hi" alananganing sabi ko.
Kaagad naman siyang lumingon. Geez... super pretty niya at saka ang ganda ng skin niya - ang puti at walang ka pores-pores ang mukha niya ang kinis kasi. Chinita tapos ang cute ng mukha niya. Ugh! Kalokohan... mas maganda siya sa akin? Oo... mas maganda nga siya at mas sexy. GRRR!!! Bakit ba ako nag-iisip ng ganito?
Kahit kailan ay hindi ako naging insecure pero ngayon parang na i-insecure ako sa kaniya.
"Yes?" ngumiti pa siya sa akin. Mabait din siya?
"Kilala mo sina Liam?"
Tumango lang siya sa akin.
"Ikaw?"
"Step -"
"Girlfriend ko siya." kaagad na nakaakbay na sa akin si Ash. Sasabihin ko na sana na step sister ako ni Ash. Dapat itama ko yung sinabi ni Ash kasi naman hindi ko pa siya sinasagot kaya technically hindi ko pa siya boyfriend. Pero hindi ko mapigilang mapangiti. Hehehe. plano ko naman siyang sagutin eh.
"A-ah ganoon ba?" saka kinamot niya ang ulo niya.
Napatingin naman ako sa mukha ni Ash. Mukhang hindi siya masaya na Makita ang babaeng iyon. Bahagya pa niyang kinabig akong papalapit sa kaniya.
"Sino ka ba Miss?" sabi ko.
"I'm Mary Chen. K-kaibigan ako nila Ash." Parag hirap pa siyang sabihin iyon.
"Hindi ka na nahiyang tawagin ang sarili mong kaibigan namin?" he clenched his fist like his going to hurt Mia. Kaagad ko namang hinawakan ang braso niya na nakakawit sa balikat ko.
"Shhh..." saway ko kay Ash.
"Ash ito na yung -." Natigilan naman si Jayden na kadarating lang ng Makita si Mary. Tulad ni Ash biglang umiba ang eksresyon ng mukha nito. Kaagad itong lumapit kay Mary at hinawakan ang braso nito na tila balak baklasin iyon mula sa katawan.
"Aray! Ano ba talaga ang nagawa kong kasalanan at -" hindi na natapos ang sasabihin ni Mary ng biglang nasampal siya ni Jayden. Hindi ko mapigilang mapasinghap. Nagawa lang namang saktan ni Jayden ang isang babae sa harap niya. wala namang nagawa si Mary kundi ang umiyak. Putok ang gilid ng labi nito dahil sa lakas ng sampal ni Jayden.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Ash na ang kinikilalang ama ay ang kaniyang step father na si Mr. Richard Simon. Until, he met Josephine Wilhelmina Simon ang anak ni Mr. Simon sa ibang babae - His Nerdy Step sister. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, ch...