CHAPTER 11

2.6K 74 3
                                    

MARY'S POV

Sobrang masaya ako dahil nagkaayos na kami ni Adrian. Si Jayden humingi ng sorry sa akin at in-offer pa ang kaniyang dalawang pisngi para sampalin ko. siyempre hindi ko siya sinampal.

Nakausap na pala nila Adrian itong sina Jayden at Ash habang nasa parlor kami kanina nina George at Josephine. Masarap sa pakiramdam na mahal pa rin ako ni Adrian.

Nabigla kaming lahat ng biglang hilahin ni Ash papalayo sa restaurant si Jospehine. Nang makabalik sila ay nabura na ang make up ni Jospehine. Hmp! If I know nagselos siya ng makitang nagandahan kay Josephine ang mga kaibigan niya.

Nagtaka lang ang lahat ng pagbalik nila Josephine ay parang timang ang dalawa na ngiting ngiti. Pareho din na ang pula pula ng mukha nila. Mukhang ayos na silang dalawa eh! I'm happy for them.

Kaya lang nakatanggap ako ng text mula kay Mia kanina. She's furious dahil hindi niya makontak ang number na bigay ni Josephine. Kaya naman kaagad kong tinawagan sina Mom and Dad. Kailangan ko sila dito para mapigilan ang criminal mind ng kakambal ko. kahit hindi kami lumaking sabay ay alam ko ang likaw ng bituka nun.

Napatingin kaming lahat kina Josephine at Ash ng biglang siniko ni Ash si Josephine.

"What?" tanong ni Josephine kay Ash.

Ngumiti si Ash sa kaniya saka kumindat. Nag blush naman si Josephine.

Ay naku!

Hindi sinasaydang napatingin ako kay Liam na nakatingin sa dalawang naglalambingan. He's not smiling like his friends pero hindi siya nakasimangot, tapos bumuntong hiningha siya. ang lalim nga eh!

Napakunot noo ako.

"Papansin si Ash." Nakangising sabi ni George.

"Kayo na ba?" si Jayden.

"Oo girlfriend ko na siya." nakangiting sabi ni Ash.

"Hindi pa kita sinasagot noh!" sabi naman ni Josephine.

"Master that's good!" natatawang sabi ni Justin. Nag thumbs up pa ito.

"Tatamaan ka sa akin Justin." Pagbabanta ni Ash sa kaibigan.

Nagkatawanan silang lahat maliban kay Liam na patuloy lang sa pagkain.

Hanggang sa umuwi na ang lahat. Si Josephine ay sabay kay Ash. Si George ay inihatid ni Patrick. Si Liam, Jayden, Ivan at Justin ay may kanya kanyang kotse. Si Adrian ay inihatid ako sa bahay. Gusto ko mang papasukin siya ay hindi puwede baka makita kasi siya ni Mia.

Bukas susunduin daw niya ako kaya Kailangan kong gumising ng maaga.

Nang makapasok na ako sa bahay ay nakita kong ang gulo gulo ng sala namin. ang mga katulong ay panay ang sigaw habang ibinabagsak ni Mia ang mga gamit sa sahig. Madaming mga basag na vase at kung ano-ano pa sa sahig.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang ayos ko.

"What happened with you hair?" hindi siya nag-aalala sa buhok ko or sa akin. Nag-aalala siya dahil hindi na kami pareho ng buhok ngayon. Natatakot siyang ipaputol ang kaniyang buhok ng maiksi.

"Someone stick a gum on my hair, so I need to cut it off." Mahinahon kong sabi.

Nakita kung naningkit ang mga mata niya.

"LIAR! You just wanted to pissed me off! You know that I won't cut my hair that short. Are you afraid that again I'm going to pretend to be YOU? And you even hired that impostor step sister of Ash! Niloko mo ako... niloko niyo ako nung babaeng iyon." Galit na galit si Mia.

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon