"Don't worry, I'll make you safe. Hindi kita ibibigay sa kanila."
Inaasahan ko ang pangako ni Tatay. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa mga magulang ng Nanay ko. pinanginginigan ako sa tuwing naaalala ko ang tingin sa akin ng Lola ko. sabi ni Tatay magkapareho ng ugali ang mga magulang ni Nanay, ibig sabihin nakakatakot din ang lolo ko.
I couldn't help but to sigh.
Marami akong body gurads na nakakalat sa loob ng school. Baka kasi pati dito sa school sundan nila ako. naka tanggap ako ng text galing sa kanila kagabi.
Walang magagawa si Richard. Kahit si Anya. Sisiguraduhin namin na sa amin ka mapupunta.
Damn. hindi ko mapigilang mapakagat sa labi ko. hindi ko alam kung ano ang kayang gawin nila para makuha lang ako at natatakot ako hindi lang para sa sarili ko kundi pati na rin sa mga mahal ko sa buhay.
Nakakadama pa rin anko ng pangingig dahil sa pag-uusap namin kagabi ni Tatay.
*FLASHBACK*
Matapos kong saihin kay Tata yang napag-usapan namin ng Lola ko ay tahimik lang si Tatay na nakatingin sa malayo. Hinintay ko na magsalita siya pero ilang sandali lang ay narinig kong huminga siya ng malalim.
"Natatakot ako sa kayang gawin nila." iyon ang unang salitang lumabas mula sa bibig ni Tatay.
"Sila din ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay noon si Archie kay Anya." Nanlaki ang mata ko. anong ibig sabihin ni Tatay? Akala ko ba ay niloko ng Tito ni Ash si Nanay? "Pinadukot nila si Eloisa para mapasunod si Archie sa gusto nila."
Napanganga ako sa sinabi ni Tatay. Hindi ako makapaniwala na nagawa nila iyon.
"Matagal ng alam nila Edward at Esmeralda ng tungkol sa relasyon nila. hindi lang nila pinaalam kay Anya. Alam ko Yeng gagawa sila ng maraming paraan para makuha ka. Natatakot ako para sa'yo at sa mga kapatid mo at para na rin kay Clarisse."
Saka lumingon si Tatay sa akin. nasa mga mata niya ang kalungkutan. Sa naririnig ko mula sa kaniya ay natatakot na rin ako para sa mga kapatid ko at para kay Ash.
"Simula bukas magkakaroon ka na ng mga body guards. Kung Kailangan na bantay ka bente kuwatro oras ay gagawin ko. I can't let them get you. Matagal kong inasam na makasama ang anak ko. mahal kita ng higit sa buhay ko Yeng. Mula ng nasa sinapupunan ka pa lang ni Anya minahal na kita. Halos mabaliw ako ng umalis siya.
Iniisip ko pa lang na lumaki kang hindi ako nakikilala. Parang pinipiga ang puso ko. anak kita. Dugo't laman kita. Hindi ko hahayaang makuha ka nila sa akin."
Hindi ko na napigilan ang mapaluha. Napakasaya kong marinig ang lahat ng sinasabi ng Tatay ko. mahal ko din siya tulad ng pagmamahal ko sa nanay ko.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Sinuklian ko naman ang pagyakap niya sa akin.
END OF FLASHBACK
Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. kaagad kong sinagot ang tawag ng makita ko kung sino iyon.
"Nanay." Hindi ko mapigilang mapaiyak. Matagal ko na rin siyang hindi nakakausap.
"Anak, Oo ako ito. Please huwag na huwag mong iisiping sumama kina Mama at Papa." Naririnig ko ang pagkabahala sa boses ni nanay.
"Nay, nasaan po ba kayo?"
"Nasa isang ligtas na lugar ako. alam kong pipilitin ka nilang isama. Pipilitin kang tanggapin ang pagiging tagapagmana. Wala sanang problema kung alam ko yun lang ang habol nila. anak gusto ka nilang ipakasal sa taong gusto nila. ayokong maulit muli ang nangyari sa nakaraan. Hindi ko alam kung kakayanin mo ang mga pinagdaanan ko noo.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Ash na ang kinikilalang ama ay ang kaniyang step father na si Mr. Richard Simon. Until, he met Josephine Wilhelmina Simon ang anak ni Mr. Simon sa ibang babae - His Nerdy Step sister. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, ch...