JOSEPHINE'S POV
Hay, salamat! Kanina lang ay nag photo shot kami para sa engagement party namin ni Ash. ang aga naming gumising. Kaagad akong sumampa sa kama ko. hindi na nga ako nakasama sa girl's night out nila Lanie dahil pagod na pagod na talaga ako.
Nakangiti ako habang nakapikit. Kasi kahit pagod na pagod ako ay excited na ako para engagement party namin.
Malapit na akong makatulog ng biglang nag ring ang cellphone ko. damn! sino naman ang tumatawag ng ganitong oras?
Inis kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tumatawag.
"Hello?" antok na antok kong sagot.
"*sob* Josephine!"
Huh? napatingin ako sa cellphone. Si Lanie pala itong tumatawag. Nawala tuloy ang antok ko ng marinig kong umiiyak si Lanie sa kabilang linya.
"Lanie anong problema?"
"J-Joe, tulungan mo kami. Nasa prisinto kami."
"HA?! BAKIT?"
Tapos yun nagkuwento na si Lanie kung anong nangyari.
Nagkita daw sila ni Eliza Harris sa pinuntahan nilang club. Nagyabang daw itong girlfriend na siya ni Jarred at sinabi nina Jeff na sinungaling daw ito at pinakilala nila si George na tunay na girlfriend ni Jarred. kaagad na nanagod itong si Eliza at sinaktan si George. Pinilit nilang pinigilan si Eliza pero sumali daw ang mga kaibigan ni Eliza sa pananakit sa kanila.
Pinahuli sila ng may-ari ng club ng Grandeur. Nakakulong silang lahat ngayon sa isang presinto kasama sina Eliza at mga kasama nito.
"Hindi ito puwede malaman nila Mama at Papa. I can't call my attorney kasi baka magsumbong yun sa family ko. si George ayaw namang tawagan ang pinsan niya pati si Mary kaya naman ikaw na lang ang tinawagan ko." naririnig ko paring umiiyak si Lanie sa kabilang linya.
Nagiging iyakin na ata itong si Lanie. Ang strong kaya ng babaeng ito.
"Okay, relax. Pupunta ako diyan. Tatawagan ko lang si Lucas."
Pinatay ko na yung tawag at kaagad na tinawagan si Lucas.
"Where are you, Lucas?"
"Sa office. Pauwi na ako. why?"
"I need your help. Nasa prisinto ang mga kaibigan ko. pinakulong sila ng may-ari ng Grandeur."
"Okay. Parang alam ko na kung saang presinto sila dinala."
"Sige, magkita na lang tayo doon."
Matapos ng tawag ay kaagad akong nagbihis at tinawag ko si Jarred at kaagad kaming umalis papunta sa presinto kung nasaan sina George. Hindi ko na rin pinaalam kay Ash baka kasi buong barkada ang dumating sa presisnto at lalo pang magkagulo.
Nang makarating kami sa presinto ay naroon na si Lucas. Nakalabas na din sina Lanie. Medyo ang gulo ng mga buhok nila parang bad hair days lang.
"Mag f-file kami ng case against doon sa isang grupo na nagsimula ng away." Sabi ni Lucas. Tapos may isang lalakeng matangkad at guwapo ang nasa tabi ni Lucas. Si Artem Maxim Laine. Isa siya sa may-ari ng Grandeur at sobrang private na tao kahit isa siyang CEO ng malaking kumpanya. May mga chismis na kumakalat na married na siya pero walang affirmation mula sa kaniya.
"Ghad! Kailangan nating pumunta ng ospital. Ang daming kalmot ng braso ni Mariel at George." Saka tumingin ako kay Lucas at Artem. "Thank you dahil hindi niyo sila isinama sa kakasuhan."
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Ash na ang kinikilalang ama ay ang kaniyang step father na si Mr. Richard Simon. Until, he met Josephine Wilhelmina Simon ang anak ni Mr. Simon sa ibang babae - His Nerdy Step sister. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, ch...