CHAPTER SIX

3.4K 94 0
                                    

Maaaga akong gumising ngayon. Napatingin ako sa relo ko. alas singko ng madaling araw. kaagad akong naligo saka nagbihis pagtingin ko sa relo 5:50 am pa lang! kumain ako sa loob ng kuwarto ko ng natirang meat bread saka nagtoothbrush mga 6:15 am bumaba na ako pero ayon sa mga kasambahay ay tulog pa ang sina Tatay at mga kapatid ko. si Ash mga 6:30 pa daw iyon bababa.

Kaagad na akong lumabas ng gate. Yung driver nag presinta na ihatid ako. Pumayag na ako. Driver iyon ni Tatay. Mga 6:40 nakadating na ako sa school. Tapos pinabalik ko na si Kuya driver kasi baka hanapin na siya ni Tatay.

Kaagad akong nagpunta sa aming classroom. Tahimik na tahimik pa ang buong school, feeling ko nga ako pa lang ang estudyante na naroon. Nang makarating ako ay nag study na kaagad ako.

"Psst..."

Napatingin kaagad ako sa may pintuan si Justin pala.

"O, Justin!"

"Master, ang aga mo ata ngayon? may utos ka ba?" nakangiti nitong tanong sa akin.

"Oo." Saka pinalapit ko siya sinabi ko ang tungkol sa Nanay ko. balak ko kasing umuwi sa dati naming tinutuluyang bahay bayad pa yun hanggang sa susunod na buwan kaya kukunin ko ang mga mahalagang bagay sa bahay namin.

"So, you want to play as a detective?"

"Medyo, miss ko na si Nanay. Kailangan ko siyang makausap."

"Okay! Yun lang ba?"

"3pm pupunta tayo sa bahay tapos mga 4pm punta tayo ng Pizza Parlor yung malapit lang din dito. Ilibre mo kami ng mga friends ko." hahaha. Ayos hindi ko na kailangang gumastos mamaya.

"Okay, magaganda ba ang friends mo?"

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Kaagad kong inihagis sa kaniya ang lapis na hawak ko.

"Bawal mong manyakin ang mga kaibigan ko!"

Kaagad naman siyang umiwas sa itinapon kong lapis at saka tumawa ng tumawa.

"Opo, master! Ikaw lang po ang puwede kong manyakin." Nakangisi nitong sabi. Aba't bastos talaga!

"Loko! Umalis ka na nga... mamaya na lang tayo magkita!" inis kong sabi sa kaniya pero nakangiti.

Alam ko namang joke yun eh! Si Justin pa, alam kong manyak talaga yun! Hindi joke lang!



3:10 pm ay nasa parking area na ako at hinihintay ko si Justin. Umupo ako sa bench na naroon at hinintay ko siya. ilang sandali lang ay dumating na ang pito. Napatingin pa sila sa akin. Saka nag make-face ako. Natawa naman sila maliban kay Liam at Ash.

Kaagad namang tinungo ni Ash ang kotse niya at binuksan ang passenger's seat pero uli ay nag make-face ako sa kaniya at saka huminto sa kotse ni Justin.

"Abo! Hindi ako sasabay sa'yo may date kami ni Justin." Inis kong sabi.

"Are you still mad about yesterday?" inis namang sabi ni Ash.

"Hindi, may date talaga kami." Pagtataray ko pa rin saka nginitian ko si Justin. "Diba Genie ko!" sweet kong sabi.

George: Hala! Paano na si Babe ko?!

Patrick: Kayo na ba, Justin?

Liam: Tss...

Ivan: Uuuuyyy!!! Walang agawan ng syota!

Adrian: Aba't kalahating g*go talaga ka Justin!

Justin: Chill lang guys! Hindi pa puwedeng magkaroon ng boyfriend si Joe kasi bata pa siya.

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon