CHAPTER 25

1.7K 52 0
                                    

JOSEPHINE

Walang salita ang lumalabas sa bibig ko kahit ang daming bagay akong gustong itanong sa kaniya. ang dami dami na hindi ko alam kung ano ang uunahin.

"I'm Jarred Wilhelmin De Smet. Your twin brother."

Nakatingin pa rin siya sa akin. napatingin ako sa kaniyang mga binti. Bakit nasa wheel chair siya?

"Gusto kitang lapitan. Gusto kitang yakapin kahit nakatingin lang ako sa malayo."

"Alam ko - nakakabigla. Ang lahat ng ito. Meron ka palang kapatid na buo. Yung hindi anak ng ibang babae ni dad. Yes, dad. You call him tatay at tinatawag mo ding nanay si Mom. Unlike you, hindi ko sila nakilala at hindi nila alam na nag e-exist ako sa mundo." Nasa mata niya ang kalungkutan. Bahagya pa siyang tumungo.

"Hindi ko alam kung suwerte ako o ikaw ba. Kasi nakasama mo sila pero nabuhay ka sa kahirapan mula noong maliit ka pa. ako lumaki ako sa karangyaan. Binibigay nila Granny ang gusto ko. kahit nagtatago ako sa isang exclusive school for boys. I was raised to be the head of this family.

Para kina Granny, mahina ang mga babae. Kaya kinontrol nila ang buhay ni Mom. But recently I met an accident at ito ang kumulong sa akin dito sa wheel chair na ito. Kailangan ka nila para ipagpatuloy ang pagpapatakbo ng kumpanya. Damn. it was my fault kung bakit kailangang maging miserable ka. Kung bakit miserable din ako."

Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. kahit ngayon ko lang siya nakilala ay pakiramdam ko kilalang kilala ko na siya. I wanted to hug him and say that everything will be okay.

Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at niyakap siya ng mahigpit.

"Thanks. Matagal ko ng gustong mayakap ka. Hindi nila guguluhin ang buhay mo kung hindi ito nangyari sa akin."

"Shhh... wala kang kasalanan. Pero papaanong hindi alam ni Nanay na may kakambal ako?"

"Hindi naman kasi sinabi nina Granny na kambal ang anak ni Nanay. She's unconscious during the delivery.They took me and raised me as their child pero nalaman ko na lang mula sa isang katulong ang tungkol sa inyo noong sampung taong gulang ako. from that day palagi na akong nakatingin mula sa malayo. Naalala ko pa nga noon ang itsura mo. Mukha kang malnourished." Natatawa pa niyang sabi kahit parang naiiyak pa rin siya.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa kapatid. Sinimangutan niya ito.

"Don't be mad with your friends." Mahinahon niyang sabi.

Naalala ko sina Justin. Bakit nga ba nagawa nila ito sa akin?

"Tinakot sila nina Edward at Esmerald - I mean sina Granny." Saka nakita kong nawala yung ningning ng mga mata niya ng mapag-usapan ang kanilang lolo at lola.

"But about that Patrick." Nakita kong naningkit ang mga mata niya ng banggitin ang pangalan ni Patrick. "Patrick Miller, he's a spy."

Napakunot noo ako. anong spy?

"Ang pamilya niya ay connected sa mga De Smet. Kaya hindi mahirap para sa kaniya ang mag espiya sa mga Laurent at kina dad. Niligawan niya si Georgina Jensen para mabantayan ang mga kilos ng mga Laurent. Kung hinahanap pa ba ni dad si mom, kung pati si Archie ay interesado pa kay mom. Nakakakuha siya ng impormasyon sa mga kaibigan niyo. Ang nagyayari mismo sa loob ng mansyon ng mga Simon."

So, isang spy pala si Patrick! Sumasakit ang ulo ko sa dami ng mga nangyayari ngayong araw na ito.

"I don't want to talk about that guy. Let's back to our grand parents. I used to call them Granny pero yung pagpapalaki nila sa akin parang tulad din ng kay Mom. Pinaparusahan nila ako pag hindi ako sumusunod sa gusto nila pero binibigay nila ang mga kagustuhan ko. I can't feel the love. I can't feel anything. I envy you so much."

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon