CHAPTER 3

3.9K 94 15
                                    

CHAPTER THREE

JOSEPHINE'S POV

Nagtatakbo ako papalabas ng school. Loko pala yung Ash na yun! Mukha daw akong timang! Siguro noon mukhang timang eh ngayon dalaga na ako eh. Dapat beautiful me na ako... kakatuwa yung mga barkada ng lokong yun ah at saka mukhang gusto ko yung Georgina kasi mukhang banas siya kay Ash. Bwahahaha!!!

Mamaya maikuwento kay Nanay.

sasakay na lang ako ng jeep pauwi ng bahay ang init ng araw eh. Akmang papara na ako ng hintuan ako ng isang sasakyan. Napakunot noo ako. Pero natuwa ako ng bumaba ang binatana ng kotse.

"Ate!" si Stephanie, ang beautiful sister namin ni Ash at Andrei. Kaagad naman akong sumakay at tumabi sa kaniya sa likurang bahagi ng kotse.

Nandoon rin pala si Andrei na nakapikit at nakikinig ng music. Naka headset pa ito.

"Hindi ninyo kasabay si Ash?"

"Uy! Hinahanap ni Ate si Kuya Ash!" kinikilig pang sabi ni Stephanie

"Hoy!" kaagad kong tinakpan ang bibig ni Stephanie. Kung ano-ano ang pinagsasabi at iniisip.

"Tss... pa deny-deny pa!" nakapikit pa rin si Andrei habang nagsasalita. Letse 'tong mga kapatid na 'to. Mukhang nagmana ang mga ito sa Kuya Ashton nila sa pag-uugali.

Ay! Naku... sarap batukan ng mga kapati ko ah! Grrr!!!

Pero alam ko namumula ang mukha ko. Hindi ko naman maitatanggi na crush ko talaga yung si Ash. Mula ng una ko pa itong Makita. Ang guwapo kasi niya pero alam ko banas siya ng una kaming nagkita kasi naman ang pangit ko noon tapos galing pa ako sa pagtambay sa daan ng isang linggo.

Ilang sandali lang ay nakadating na kami sa mall, si Andrei naman ay uuwi na daw at babalikan na lang kami ng driver. Si Stephanie hindi na pinansin ang topak ni Andrei at magkasama kaming naglibot sa mall.

Maraming kaming nabili at ang sakit ng paa ko kasi naman ay tatlong oras na kaming naglilibot. Nang makadaan kami sa isang bench napasigaw ako sa sarap ng makaupo.

"Woah! Sarap umupo!" sigaw ko. ang sakit na talaga ng paa ko. si Stephanie ay sumimangot sa akin.

"Pangit ng taste mo ate. Teka nagkita ba kayo ni Kuya kanina sa school?"

Oo nga pala itong si Stephanie at Andrei ay sa elementary at highschool department nag-aaral ng ALU. Ang sabi sa akin ni Stephanie kanina may sariling kotse si Ash at ang mga barkada ang laging kasabay nitong kumain. Matagal na dawn a kaibigan ni Ash yung mga kaibigan niya mula pa daw noong elementary sila. Mga guwapo yung mga kaibigan ni Ash ah!

Sabi ni Stephanie bawal daw ako magkagusto kay Jayden Choi kasi crush daw niya iyon. Cute nga ang isang iyon parang Korean heart rob pero sobrang patawa yung isang yun, pero masama magalit.

Si Liam Carter Garcia - Snow king, parang walang pakialam sa mundo, palaging nakakunot ang noo at minsan lang magsalita.

Si Adrian Aiden Laurent - pinsan ni Ash. si Mr. Nice guy - mabait at cute.

Si Patrick Miller - mahilig sa party, boyfriend ni George as in Georgina Jensen.

Justin Oliver Diaz - ang playboy sa grupo.

Si Ivan Zander De Leon -. ang pihikan sa babae Aba ayos ang mga pag-uugali nila magkakaiba.

"Basta Ate, hindi ka puwedeng magkagusto kay Jayden. Akin lang siya." si Stephie.

"Oo na sa'yo na si chinito, okay. Atsaka paglilinaw ko wala akong crush kay kuya mo."

"Weeehhh... eh super pulang pula ka kaya kanina sa loob ng car."

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon