CHAPTER 10

2.8K 74 1
                                    

Maaga akong umalis sa mansyon. Si Ash hindi gumising ng maaga. Iniiwasan pa rin ako. si Stephie may lakad pero mamaya pang 10 am. Si Andrei naman busy sa kakalaro ng COC (Clash of Clans). Buwiset na Ash, ayaw pa rin ako kausapin. Huh! manigas siya!

Nakipagkita ako kay Ivan sa labas ng village, dala niya yung car niya at kaagad na pumunta kami sa bahay ng mga Chen. Ang ganda at ang laki ng bahay nila. Kaagad naman kaming pinapasok ng kanilang maid. Inihatid pa nga kami sa may pool area. Mas Malaki lang yung pool sa bahay ni Tatay.

"Mary, nasaan na yung Gucci na bag ko?" mataray na sabi ng isang babae. Nagulat pa nga kami ni Ivan ng makita na kamukhang kamukha ni Mary yung babaeng nagsalita. Medyo pareho din ang boses. Bahagyang kumunot ang noo niya ng makita kami.

"Hi." Sabi ko.

"Nasa room mo lang, ipahanap mo na lang kay Krizel." Malambing na sabi ni Mary na bahagyang napangiti ng makita kami. "Siya nga pala Mia. Mga bisita ko si Josephine step sister ni Ash at si Ivan friend niya." sabi ni Mary. Kilala naman ni Mary si Ivan pero hindi niya puwedeng sabihin na kaibigan ni Ash at Adrian itong si Ivan.

Mukha namang hindi kilala ni Mia itong si Ivan.

Bigla na lang ngumiti itong si Mia ng marinig na step sister ako ni Ash. Biglang nag ningning ang kaniyang mga mata. Kung itsura, hubog ng katawan at mannerism ang titingnan pareho talaga si Mary at Mia ng mga gawi.

"Really?! Step sister ka ni Ash?" saka lumapit siya sa akin at kinawit ang kaniyang braso sa braso ko. hmp! FC!

"Ah, Oo." Sabi ko naman. Pinandilatan pa ako ni Ivan.

Kinindatan ko na lang si Ivan. Kaagad ng hinila ni Mary si Ivan papasok ng bahay nila.

"You know I really like Ash, he's so cute! May GF na ba siya?"

Umiling ako at ngumiti sa kaniya. Wala pa pero malapit na! malapit ko na siyang sagutin.

"OMG! The first time na nakita ko yung picture niya I fell in love with him. Kaya nga naman ng nakilala ko siya kaagad kong sinabing gusto ko siya. kaya lang napagkamalan nilang ako si Mary." Napalabi pa siya ng sabihin iyon.

Napa 'oh' lang naman ako. sabi ko na ng aba siya yun! Hindi si Mary yung sinasabi nilang nakipag flirt kay Ash. Hindi ba niya inisip si Mary?

"So anong ginawa mo ng napagkamalan ka nila?"

Ayon sinabi niyang wala siyang ginawa at hinayaan lang daw niya. huwag daw akong maingay dahil galit daw siya kay Mary. Buti nga daw at nasaktan si Mary kasi hindi daw siya isinama sa America. Buti pa daw si Mary kasi palaging bida sa paningin ng mga magulang niya. si Mary kasi siya ang santa siya naman ang kontra bida.

Masyado ata siyang na carried away sa pag-uusap naming dalawa at nasabi niya sa akin ang ilang sekreto niya. insecure talaga siya kay Mary kaya pinipilit niyang maging kamukha talaga ni Mary. Kahit pananamit ng kakambal ginaya niya, ang paraan ng pagsasalita nito at pagkilos.

Kahit hindi niya gusto ang mga gawi ni Mary ay kinopya niya. kahit nga daw ang lola nila palaging binibida si Mary. Kuwento din ako ng kuwento ng tungkol kay Ash. Hahaha. Madali lang pala itong pagpasalitain.

Inirecord ko pa yung mga pinagsasabi niya. naku! Kung maririnig ni Ash yung mga ikinuwento ko kay Mia, masasakal niya ako ng wala sa oras.

Sobrang inalagaan ako ni Mia habang nag-uusap kami. Hahaha. Kung alam lang niya. ako si Detective JWS. Exciting pero kinakabahan din ako. mabuti na lang madaling utuin itong si Mia.

Lumabas na si Mary kasama si Ivan. Tawa pa sila ng tawa.

"Oh di ba may lakad ka pa Mia?" paalala ni Mary kay Mia.

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon