CHAPTER 30

2K 54 1
                                    


GEORGE'S POV

Ilang linggo na mula ng umalis si Jarred pabalik ng America. Damn! na mimiss ko na siya. dalawang linggo lang naman kaming nagkasama pero pakiramdam ko parang ilang taon ko na siya nakasama. He's fun to be with. Makulit siya at tulad ng sinabi ni Josephine ay may sayad siya.

Sinabi niya sa akin yung plano niyang pagpapahiya kay Selene at sa mga kaibigan nito. Actually, nasampal ko din yung walanghiyang babaeng iyon ng minsan eh. Sinabi ko kung magkikita kaming muli ng mga malditang iyon ay gagawin kong impyerno ang buhay niya.

Hindi masaya ang magpahiya ng tao pero kung para kay Josephine kulang yung pagkalbo sa mga impaktang yun at sobra yung ginawa ni Jarred. Nalaman ko nga yung ginawa niya dati sa nambully kay Josephine. Damn! he's really a bad boy. Talagang nagmula siya sa pamilyang De Smet.

Mabuti na lang at si Josephine sobrang bait. Parang santa sa bait. Yung klaseng unbelievable na siya parang si Ash na rin sa pagiging boyfriend parang unbelievable din. Nakaya niyang hintayin si Josephine.hindi siya natukso sa iba at mas minahal pa niya si Josephine.

Hay! Nakakainggit. Ako wala. Si Patrick. Buwiset siya... isa siyang spy at sinungaling siya ang tagal tagal naming magkakilala pero nagawa niyang masinungaling. Si Justin mapapatawad ko pa. pero siya. hindi ko alam kung bakit biglang nawala yung tiwala at pagmamahal ko ng ganoon kabilis.

Siya rin pala ang nagsabi kay Selene ng sekreto ni Josephine. Pasalamat siya at pati yun hindi ko sinabi kina Ash.

"Ma'am, time na po." Napailing na lang ako ng marinig ko ang sinabi ng isang estudyante ko. damn! nakatulala na naman pala ako.

Napatingin ako sa relong pambisig ko. napakunot noo ako. one hour ang klase namin at thirty minutes pa lang ng na nagsisimula ang klase ko.

"Miss Adriatico, hindi pa uwian!" inis kong sabi.

Lalo akong naguluhan ng makita kong ngumisi ang mga estudyante ko.

Huh, anong problema nila?

"Ma'am time na po talaga." sabi naman ng isa ko pang estudyante.

Napahilot na ako sa sentido ko. sheez! Nawawalan na ako ng pasensya sa mga estudyante ko.

"Time for what?"

Nagulat pa ako ng biglang nakita ko si Josephine na pumasok sa classroom namin at hinatak ako papalabas. Kung makahila itong si Josephine parang mababatak ang braso ko.

Pumunta kami sa may ground ng ALU ang daming estudyante ang naroon. May dala silang puting lobo at white roses. Yung mga estudyanteng nakaharap ay may dalang malalaking card board. Na nakatalikod.

May narinig akong tumikhim.

Tapos biglang nahawi yung kumpol ng mga estudyante sa dalawa. Yun pala dumaan ang pinaka guwapong lalakeng gumugulo sa isipan ko ngayon. ang lalakeng sobrang na miss ko ang kakulitan. Kahit ilang linggo ko palang siyang nakakasama. Ghad! He's here!

May hawak siyang wireless microphone at isang bouquet ng white roses.

My favorite flower.

"Ah, sorry... na disturb ko yung pagtuturo mo." Saka bahagya pa siyang tumikhim. "Kaya lang... I just want you to know na - I'M BACK!" then he chuckled nervously.

"Hey, Stop that Jarred! Sasapukin na talaga kita." Banta ni Josephine pero kaagad na inilayo ni Ash si Josephine.

Nandito pala ang mga kaibigan ko? Hmp! Kasabwat pala sila ni Jarred.

"A-ah! Sorry na kambal ko. Sige, heto na talaga." sabi pa niya na tumingin ulit sa akin.

"Ten years ago. January 24, 20**." Simula niya. Oops! Birthday ko yun ah. "your thirteenth birthday. I was there. invited ako sa birthday mo. Yun ang first day na nakita kita. Kasama mo si Patrick. Uhm... let's not talk about him..." natawa na lang yung iba.

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon