CHAPTER 22

1.8K 60 0
                                    

LANIE'S POV

Galit sina Mama at Papa ng makitang injured ang left hand ko. baka isipin daw nung mapapangasawa ko na isa akong trouble magnet. Hmp! Wala naman akong pake kung yun ang iisipin niya mas okay nga kung maisip niya yun at huwag na niya akong paksalan pa.

Mas pabor yung sa akin.

Kanina pa tawag ng tawag itong sina Josephine at Mariel. Ang daming ka eek-ekan sa life. May sarili akong kinahaharap na problema dito. kasi naman itong mga magulang ko binibigyan ako ng sakit sa ulo.

Napatingin ako sa dress na nasa kama ko. maganda naman pero dahil Kailangan kong magpaganda doon sa pakakasalan ko ay naiinis akong isipin na susuotin ko yun.

"Baby, tapos ka na bang mag bihis?" si Mama pala.

Inirapan ko lang siya. galit ako sa kaniya ngayon kaya hind ko sila kinakausap kahit mga pinsan ko hindi ko sila iniimikan.

Masama talaga ang loob ko. tiningnan ko lang yung dress. Tapos umismid ako. never in my life na susuotin ko ang magandang dress na yun. Kumuha ako ng ibang damit. Nagsuot lang ako ng t-shirt at maong pants tapos tinirintas ko yung buhok ko at hindi na rin ako nag abalang mag make-up.

Hidi muna ako lumabas at hinintay na tawagin ako ni Mama.

"Anak, naghihintay na sila sa atin." Kumatok lang si Mama. Kaagad na akong lumabas.

Nanalaki ang mga mata nila ng makita kung ano ang suot ko. si Papa mukhang disappointed si Mama naman ay gulat na gulat.

"Anak, bakit hindi mo suot yung dress?"

"Umalis na tayo, wala ng oras pa para magbihis siya."

"P-pero hon, baka hindi siya papasukin --."

"Tara na." si Papa.

Bahagya akong napalunok. First time ko nakitang ganoon ka bad mood si papa. Sumunod na lang ako sa kanila.

ilang minuto ng biyahe ay nakarating na kami sa isang restaurant. Pinakilala nila sa akin yung magiging fiancé ko. guwapo naman at saka anak mayaman nga. Jacob ang panganalan niya. Graduate na siya ng college at nagtatrabaho na siya sa kumpanya ng kanilang pamilya. May pahalik halik pa siya sa likod ng kamay ko.

guwapo mukha namang pabling. Magkatabi kaming dalawa at bahagya kong napansin siya na hindi mapakali at tingin ng tingin sa kabilang mesa. Saka nanlaki ang mata ko ng tumingin sa gawi namin yung isang babaeng super ganda at cute. Napalingon din sa amin yung katabi niya. si Liam!

pero yung mukha nung magandang babae parang di maipinta, parang maiiyak na ewan. Tapos napatingin ako doon sa katabi kong si Jacob. Parang nalugi ng ilang milyon.

Nakita kong tumayo yung babae at saka pumunta sa gawi ng rest room. Kaya naman nag excuse din ako tapos sinudan ko yung babae. Sa labas palang ako ng rest room nadidinig ko na yung iyak niya. nagulat pa siya ng makitang pumasok ako sa rest room.

"H-Hi." Bati ko sa kaniya hindi ko naman alam kung anong sasanihin ko.

"I-kaw pala yung p-pakakasalan ni Jacob." Sabi nung babae. Sayang ang ganda niya kung namumula yung ilong at mukha niya sa kakaiiyak.

"Wala akong balak na pakasalan siya noh!" sabi ko sabay humarap ako sa salamin. Tapos inayos ko yung buhok ko.

"Huh?"naguguluhang sabi nung babae.

Humarap ako sa kaniya at ngumiti.

"Wala akong planong pakasalan ang boyfriend mo."

"P-paanong –."

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon