May renioun daw sa ALU ngayong gabi at isasama daw ako ni Ash. ayaw ko sanang sumama dahil hindi naman ako naka graduate doon. Ako ang date niya. si Jarred naman pinilit akong sumama. Dahil kasama daw iyon sa mga naka schedule na pupuntahan ko. Kailangan ko daw pumunta dahil may masayang mangyayari.
Napaisip tuloy ako kung ano yun.
Napatingin ako sa salamin. Si Jarred na naman ang pumili ng damit na susuotin ko. emerald green ang color na off shoulder. Medyo sexy nga dahil hindi man lang umabot sa tuhod ko. naka pony tail naman ang buhok ko.
"Whew! Ang ganda naman ng kambal ko." sabi pa ni Jarred.
Nagulat ako ng makita kong nakabihis din siya. aalis din ba siya?
"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya.
"Ako ang date ni George."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. kaya pala wala itong dini-date noong nasa US kami dahil si George pala ang crush ng mokong kong kapatid.
"Okay, umalis ka na. sunduin mo na siya." sabi ko sabay kuha sa hand bag na dala ko. humalik muna sa pisngi ko si Jarred bago umalis.
Bumaba na rin ako sa sala. Nang makarating na ako ay narinig kong may bumusina. Tinawag ko yung stay-in naming maid at inutusan ko siyang isira ang gate pag nakalabas na ako.
Nang makalabas na ako ay nakita kong nakatayo si Ash sa gilid ng sasakyan niya. nakangiti siya sa akin. damn! ang guwapo ng boyfriend ko. hahaha.
Tumaas ang kilay ko ng biglang hubarin niya ang suot na coat at pinasuot yun sa akin. tapos ay bumulong siya sa akin.
"Wow! Ang ganda ganda talaga ng girlfriend ko at ang sexy naman ng suot mo ngayon. Parang ayaw na kitang ilabas, ayokong may ibang nakatingin sa'yo."
Napangiti ako ng maramdaman ang mainit na hininga niyang tumatama sa tenga ko.
"Thank you at ang seloso mo pa rin, babe ko." saka hinalikan ko siya sa pisngi. "At ang guwapo guwapo mo din at ayokong may ibang nakatingin na babae sa'yo dahil I will scratch their eyes out." tapos umarte ako na kunwari ay mangangalmot ako.
Tumawa na lang si Ash.
"Si Jarred daw ang date ni George." Sabi ni Ash.
Tumango naman ako. "Nagulat nga ako eh. Pero mas bagay silang dalawa kesa kay Patrick. Sorry ang bias ko." nag peace sign pa ako sa kaniya.
Narinig kong bumuntong hininga na lamang si Ash.
"Let's not talk about them." Sabi niya saka umalis na kami doon sa village.
Nang makarating kami sa party ay marami ng tao. Nakatingin lang ang mga tao sa amin. Naririnig ko ang mga bulungan nila. ang daming tanong nila. kung sino ba ako? may bagong girlfriend si Ash? o di kaya ay naka move on na daw sa wakas si Ash!
Pinilit kong ngitian silang lahat. Parang gusto ko silang pasabugin isa-isa. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Ash sa kamay ko. saka ngumiti siya sa akin. ngumiti na rin ako.
Nakita kong nasa pinakmalaking mesa sina Justin, Adrian, Ivan at Liam. kasama sina Mariel, Jeff , Mary at Mariel. Oh! Date ni Liam si Lanie?
"Hi guys!" bati ko sa kanila.
"Master na miss kita!" si Justin ay kaagad na yumakap sa akin pero kaagad siyang pinahiwalay ni Ash sa akin. saka tiningnan ng masama.
Saka sunod sunod silang yumakap sa akin. yung mga kaibigan naming lalake palaging sinasaway ni Ash na huwag higpitan ang yakap at huwag tagalan. Ang mga girls sabay sabay na yumakap sa akin ng biglang tumawa si Jeff ng malakas.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Ash na ang kinikilalang ama ay ang kaniyang step father na si Mr. Richard Simon. Until, he met Josephine Wilhelmina Simon ang anak ni Mr. Simon sa ibang babae - His Nerdy Step sister. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, ch...