CHAPTER 12

2.7K 112 4
                                    

Gumagawa ako ng chocolate cake sa bahay ng biglang tumunog ang cellphone ko. naka headset ako dahil nakikinig ako kanina ng music habang sinasalin ko ang mga ingredients kaya hindi na ako nahirapang sagutin pa ang cp ko.

(Jo, labas tayo mamaya!) tili ni Jeff.

"Saan naman?"

(Sa mall... shopping tayo.) nasa boses ni Jeff ang lungkot.

"Shopping o window shopping?" natatawa kong sabi.

(Waaah!!! Porke mayaman ka na at porita kami ganyan na lang ang sasabihin mo? Nakakasama ka ng loob ha?!)

"Hahaha... ano ka ba! Ang drama mo ngayon ah?"

Nagdadrama lang itong si Jeff kung sawi ito sa pag-ibig. Noong third year high school kami tapos punta kami sa mall ay gumawa pa ito ng eksena at naglupasay pa.

(Huhuhu... nalaman ko kasi na may girlfriend na pala si Adrian)

"tange! Bakit ka na lulungkot? may Ivan, Justin at Liam pa naman ah?"

(Bakit hindi kasali si Jayden?)

"Kasi po crush niya yung kapatid ko."

(WHAAAT?! Crush ni Jayden si Stephie?" sigaw ni Jeff. May narinig din akong ibang nagsasalita sa kabilang linya.

"Uy! Kasama mo sina Lanie at Mariel?"

(Oo, kita na lang tayo mamayang 4pm sa mall ha? yung dating mall.)

"Sige." Sabi ko saka nawala na sa linya si Jeff.

Ilang sandali lang ay natapos ko na ang dalawang chocolate cake. Yung isa Malaki yung isa kalahati lang ng laki nung malaking cake. Yung Malaki para yun kay Ash at yung maliit para yun kay Liam. nilagyan ko ng design yung Malaki tapos yung maliit hindi na. noong lumamig ay inilagay ko sa isang box yung maliit.

Yung Malaki nilagay ko sa mesa.

"Wow, luto na yung cake ko." masayang sabi ni Ash.

Ngumiti ako sa kaniya. nabigla ako ng lumapit siya sa akin kaya naman bigla akong napaatras bigla na lang niya akong hinila papalapit sa kaniya. biglang bumilis ang tibok ng puso ko at halos hindi ako makahinga ng maayos. halos nararamdaman ko na yung mainit niyang hininga sa pisngi ko. Umiwas ako ng tingin sa kaniyang mukha. Pero bigla niyang hinawakan ang baba ko para maiharap yung mukha ko sa mukha niya.

"Don't, gusto kong mas makita sa malapitan ang mukha mo." Halos pabulong pa niyang sabi. Tapos lumapit na yung mukha niya sa mukha ko. OMG! HAHALIKAN BA NIYA AKO?

Napapikit ako at ilang sandali lang ay naramdaman kong nakalapat na yung labi niya sa labi ko. shet! Puwede na bang himatayin sa kilig?

Kahit tumigil na siya sa paghalik sa akin ay hindi ko pa rin idinilat ang mga mata ko.

The I heard him chuckled kaya naman dumilat na ako. nakita kong ang laki ng ngiti niya sa labi. Oh my! Yang labi na yan na dumampi sa labi ko kanina.

"Hay! Gusto ko pa sana ng isa. Dumilat ka na kaagad." Sabi pa niya. tapos itinaas baba niya ang kaniyang dalawang kilay.

kaagad ko siyang binatukan.

"Paano kung may nakakita sa atin? At saka hindi pa kita sinasagot ah!"

"Tss..." sabi niya. actually hindi ito ang first time na hinalikan niya ako.


FLASHBACK

"I lied when I said I like you. Coz the truth is like is not permanent. And I want to be with me forever. Love is for the person who makes you feel complete, the one who makes you crazy and for making me felt so sick when you're not around. The feeling that I have for you is stronger than liking. I think i had fallen in love with you."

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon