CHAPTER 34

1.7K 50 3
                                    


Nadisturbo ang honeymoon nila Nanay at Tito Archie dahil sa kakulitan ni Ash. hindi kasi niya ako macontact at hindi rin ako tumawag sa kaniya. alam ko naman ang number niya kaya kung gusto ko ay puwede ko siyang tawagan thru landline.

Tumawag si Ash sa cellphone ni Jarred na ikinagalit nito. Ayaw kasi niyang may nangungulit sa kaniya maliban kay George.

"Can you answer it? Naiinis na ako. ngayong araw pa lang ay nakatatlong beses na siyang tumawag." Inis na sabi ni Jarred.

I just rolled my eyes on him. Ako na nga ang unang tumawag sa kaniya pero yun pala busy sa pakikipaglandian sa ex niya na malandi. Pero miss ko na talaga siya. two days na kaming hindi nag-uusap at para na akong baliw.

"Fein." Sabi ko saka kinuha ang cellphone niya.

"Hello." Kunwari ay hindi ko siya miss. Kaya sinagot ko siya na parang wala ako sa mood.

"Damn, Josephine! Miss na miss na kita." Nasa boses ni Ash ang inis.

"HOY, UMAYOS KA ASHTON CHRISTIAN LAURENT! Hindi lang ikaw ang nakamiss. Kaya lang sira ang phone ko at hindi kita matawagan."

Palusot ko.

"Babe ko, hindi ko alam kung anong kasalan ko at parang iniiwasan mo ako. ayaw mo akong kausapin. This is making me insane. Hindi ko lang marinig ang boses mo ng isang araw at hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo. Ayoko ng bumalik sa apat na taong hindi kita nakikita at nakakausap."

Nasa boses ni Ash ang sakit. Shit! Nagi-guilty tuloy ako. pinapahirapan ko siya. damn, Josephine. Ikaw lang naman ang nagpapahirap sa sarili mo at kay Ash.

"Kung ano man yung nagawa ko at nasaktan kita - I'M SORRY. Mahal na mahal kita."

"Mahal din kita. I'm sorry, babe." Napabuntong hininga ako. inaamin ko na hindi ako dapat nagselos ng ganoon. Nawala na naman sa isip ko na dapat ay pinagkakatiwalaan ko siya.

"Jesus! Thank you! In a minute, I'll be hugging you tight. Just wait for me." Masayang sabi ni Ash, Saka nawala na siya sa kabilang linya.

Anong ibig niyang sabihin na in a minute ay yayakapin niya ako at maghintay daw ako?

Nanlaki ang mga mata ko ng sa wakas ay na gets ko na rin ang sinasabi niya. nandito siya sa Belgium!

"AHHHH!" Sigaw ko sabay napatalon pa ako sa tuwa.

"Josephine, will you stay still! Nakikita ka ng ibang tao. Baka akalain nila nasusunog ang mansyon." Galit na sabi ni Jarred.

I just stick out my tongue and run after him.

Excited na akong makita si Ash.

******

ASH'S POV

Nagpahatid na lang ako ng taxi. Excited na akong makita si Josephine. Si Adrian muna ang bahala sa company. pinagalitan ko silang dalawa ni George ng tumangi silang halilihan ako.

They were giving me headaches parang ako lang ang puwedeng magpatakbo sa negosyong kaming tatlo naman ang makikinabang. Nasa honeymoon si Uncle Archie and Tita Eloisa is busy with her own business.

Ngayon may problema na naman sila ni Josephine. Mabuti na lamang at may number si George ni Jarred pero ayaw akong kausapin ni Josephine. Mabuti na lang nga at kinausap ako kanina.

Nakadating na ako sa airport kanina ng tumawag ako kay Jarred. Nasabi ko na rin kay George ang problema ko at ang nangyari ng araw na tumawag si Josephine. Mukhang nagseselos daw si Josephine kay Hazel (Haze).

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon