CHAPTER 18

2.4K 70 3
                                    

LANIE'S POV

HMP! Akala ba ni Liam ay type na type ko siya. siguro iniisip niyang gusto ko rin siya. hello! Hindi ko gusto ang isang katulad niyang tinalo pa ang babaeng may dalaw. Napapansin ko din na may gusto siya kay Josephine.

Elementary pa lang kami ay magkakilala na kami ni Josephine at bata pa lang kami ay matagal ng gusto ni Josephine si Ash. Simula noong tumira siya ng ilang araw sa mansyon ng tatay niya ay puro si Ash na lang ang bukang bibig ni Josephine.

Kasama ko na ngayon si Mariel dito sa boarding house. Lutang ang utak niya dahil kay Justin. Hmp! Kanina mukha siyang papel na nilukot pero ngayon parang humithit ng shabu nakatingin lang sa malayo. Ugh! Ewan masyadong inlove silang lahat... si Josephine luma lovelife. Si Jeff hindi pa umuuwi siguro tinanan na ni Ivan, itong si Mariel wala adik na.

Si Josephine nag drama kanina kaya naman nakauwi kami ng maaga. Buti naman at ng hindi ko na makita ang Liam na yun. Buwiset siya sa buhay ko.

May mas Malaki akong problema ngayon. Sina Mama at Papa. Wala daw akong love life. Di ba dapat masaya sila dahil mas focused ako sa pag-aaral ko? malapit na akong mag eighteen at problema nila ang love life ko. ang daming lalakeng nakakasalamuha ko pero bakit daw hindi ako interesado sa kanila. wala pa daw akong boyfriend.

Si Jeff nagkaroon na ng dalawang boyfriend.

Si Mariel nagkaroon na ng isang boyfriend.

Si Josephine may Love life na ngayon.

Ako? bokya! Wala zero ang love life... at yung ang problema ng parents ko. kaya naman hinahanapan nila ako ng mapapangasawa! Oo mapapangasawa kaagad! At sisiguraduhin daw nila na guwapo, mayaman, mabait at responsible ang mapapangasawa ko.

Na sabi ko bang mayaman? Oo! Mayaman kasi mayaman ang parents ko... kung mayaman ako bakit nasa public school ako nag-aaral? Kasi yun ang nakasanayan na mula sa grandfather ko. parents ko, pinsan ko at kami ng kapatid ko lahat kami sa public school nag-aral.

Yung ibang pinsan ko meron na silang mga love life ako na lang daw ang wala. Bakit ba Kailangan kong magkaroon ng boyfriend? Distraction lang yan sa pag-aaral ko.

Iniinis nga ako ng mga pinsan ko sa tuwing magkikita kami ng mga pinsan ko puro mga alaskador kasi sila. sabi pa nila baka daw tinatarayan ko yung mga manliligaw ko. ano naman ngayon kung tinatarayan ko nga sila?

Nagkakaroon naman ako ng mga crushes kaya lang gusto kong naka focused lang ako sa pag-aaral ko. letse noong nasa elementary ako second best lang ako ni Josephine - valedictorian siya ako naman ang salutatorian at ng nasa high school ako naging first honorable mention lang ako. I was very disappointed that time.

Siguro naman ngayong hindi ko na kaklase si Josephine ay magiging number one na ako. wala ng dahilan para maging second or third best pa ako. kaibigan ko sina Josephine, Jeff at Lanie pero ginagawa ko silang mga rivals ko para ganahan ako sa pag-aaral. Proud naman ang parents ko sa mga naabot ko pero ako hindi.

I think there is something that I need to attain for me to be able to be happy. Hindi ko alam kung ano basta nararamdaman ko na may kulang.

Back to my love life, gusto ng parents ko na makilala ko na daw ang magiging fiancé ko. hmp! Fiancé kaagad? Di puwedeng mag getting-to-know-you stage muna kami? Guwapo daw, mayaman, mabait at responsible daw ang fiancé ko. hindi naman nila sinabi kung anong pangalan basta ngayong sabado. Makikilala ko na daw siya.

I'm not interested! Bahala silang makipagkita doon sa lalakeng iyon. Wala akong pake kung guwapo at mayaman. Marami namang akong kilala na guwapo at mayaman. Friends palang ni Ash ulam na eh. Except kay Liam na hindi makain yung ugali. Guwapo sana kaya lang ang cold at saka gusto niya si Josephine.

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon