Nanlaki ang mga mata naming pito ng marinig ang isang boses. Napalingon kami sa pamilyar na boses.
Hindi lang pala iisa ang taong naroon sa likuran namin --- nandoon lang naman si TITA CLARISSE, SI TATAY at ang DALAWA KONG KAPATID. Si Tita Clarisse yung nagsalita kanina.
Kaagad akong napatayo. "I'm sorry po ---." Nabigla ako ng niyakap ako ni Tita Clarisse.
"Sabi ko na nga ba!" masaya niyang sabi sa akin.
"Mr. and Mrs. Simon?" ang doktor, kaagad na bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Tita Clarisse at lumapit sa doktor.
"Kumusta na po ang anak ko?" si Tita Clarisse.
"Okay na po ang pasyente. Mabuti na lang at nadala siya ng maaga sa ospital. Kailangan lang po naming i-monitor ang kalagayan ng pasyente upang masigurado natin ang kanyang mabilis na pag galing. Sa ngayon po hintayin lang nating magkamalay ang pasyente." Matapos sabihin iyon ay umalis na yung doktor.
Nakahinga na kami ng maluwag. Hinintay lang naming na mailipat si Ash sa private room na kinuha nina Tatay para sa kaniya. ang laki nung room pang VIP daw yun. Kasya kami lahat doon. Kahit gabi na hindi umuwi ang mga kaibigan ni Ash. Sina Stephie at Andrei pinauwi.
"Hija, mag-usap tayo sa labas." Sabi ni Tatay. Kasama naming si Tita Clarisse na lumabas ng kuwarto.
Sumunod naman ako sa kanila. pumunta kami ng canteen ng ospital at doon nag-usap. Nang makaupo na kami ay ginagap ni Tita Clarisse ang kamay ko.
"Masaya ako na kayo na ni Ash." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"H-hindi ko pa po sinasagot si Ash." Napatungo ako. totoo naman eh!
"What? Uhm... sorry... hindi mo ba gusto si Ash?"
Napatingin ako kay Tatay. Wala pa rin akong mabasang ekspresyon sa mukha niya. parang natatakot ako.
"G-gusto ko po si Ash."
"Hay naman! Kinikilig ako. gusto kita para sa anak ko."
"Clarisse, I think I need to talk with Yeng privately." Si Tatay.
Napalabi naman si Tita Clarisse saka nag paalam na babalik na sa room ni Ash.
"Yeng, bata ka pa. pero kung yan ang nararamdaman mo ayokong humadlang. Kaya lang iniisip ko ang tungkol sa Nanay mo. Tungkol sa pamilya niya."
Natigilan ako ng marinig ang tungkol kay Nanay. Ang tungkol sa pamilya niya. ano bang meron sa pamilya ni Nanay?
"Tay, alam ko na po ang tungkol sa pamilya ni Nanay. Yung tungkol sa Lolo at Lola ko. na sila yung business partner niyo."
Umiling si Tatay. "Hindi ko sila business partners, sila parin ang may ari ng S&D. binigyan lang nila ako ng konting shares. Akala kasi nila magpapakasal ang Nanay mo sa akin once na ipanganak ka." Saka nakita kung lumungkot ang mukha ni Tatay.
"Natatakot ako na kukunin ka nila sa akin, you're nanay is doing something so please be patient." Dagdag pa ni Tatay.
"Tay, gusto ko pong malaman kung paano kayo nagkakilala ni nanay? Bakit galit po siya sa inyo?"
Napabuntong hininga si Tatay bago siya nagkuwento....
RICHARD'S POV
I met Anya when she's sixteen years old. Kilala ang pamilya nila bilang stiff and cold. Well, tulad ng parents niya, ganun din si Anya. Noong unang nakita niya ito she's playing the grand piano. She's good at it but her face emotionless. She's playing like it was meant to be done.
She's so beautiful ang mahaba at maitim niyang buhok, Ang maputi nitong balata ng mga mata nitong hindi mo kayang basahin ang iniisip - cold at matalino. Mas matanda ako sa kaniya ng siyam na taon. I've been working my ass for their company at naging protégé na ako ng ama nito.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Ash na ang kinikilalang ama ay ang kaniyang step father na si Mr. Richard Simon. Until, he met Josephine Wilhelmina Simon ang anak ni Mr. Simon sa ibang babae - His Nerdy Step sister. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, ch...