CHAPTER 36

1.8K 50 4
                                    

CHAPTER 36

Kanina pa ako kinukulit ni Jeff at Mariel. Birthday ko na kasi at siyempre birthday din ni Jarred. Exactly ang birthday namin ay June 4 at nag birthday ni Ash June 14.

Nandito na sila simula ng mag twelve ng umaga. Tulog na tulog na ako ng biglang may nag-iingay sa labas. Ang buong barkada ay nasa labas ng bahay namin. pati ang parents ko nandoon din.

May dala silang dalawang cake, balloons at pagkain. Si Jarred naiyak pa kanina. Wala pa kaming tulog. Ang kukulit ng mga kaibigan ko pero si Jeff tulog na tulog.

Pagod daw siya. if I know pagod siya dahil pinagod siya ni Ivan. Kaya naman nakaupo lang sa isang couch sina Ivan at Jeff, si Jeff nakaunan sa dibdib ni Ivan habang natutulog.

Mamaya na lang daw sila mag ha-honeymoon pagkatapos ng birthday ko. bukas ay aalis na sila papuntang Thailand at before sa birthday ni Ash ay dapat nakabalik na sila.

Ang sweet naman nitong mga kaibigan namin at inaalala pa kami

Itong sina Liam at Lanie na kanina pa magkaholding hands na ayaw mang mag share ng kanilang love story.

"I forgot to tell you nagpunta pala kahapon that woman named Hazel sa office ni Ash and made some ruckus. Pinagbantaan mo daw ang buhay niya." si Jarred ang nagsalita.

Napaubo ako sa sinabi ni Jarred. That woman! Nagsumbong pala siya.

"Well, hindi ko naman talaga pinagbantaan ang buhay niya. she just hinted me to do that. Siya ang nagbigay sa akin ng idea na gawin yung mga sinabi niya. I asked her to stop bugging us."

"Ash had a speech yesterday that made that woman back off and she cried --." Hindi na naituloy ni Jarred ang kaniyang sasabihin ng biglang tinakpan ni Ash ang bibig ni Jarred.

Natawa na lang kami dahil kahit anong pilit ni Jarred na alisin ang kamay ni Ash sa bibig niya ay hindi niya magawa kaya naman ng bahagya naalis ang kamay ni Ash ay kinagat niya ito.

"Agh!" sigaw ni Ash.

"That's what you get from stopping me!"

Kaagad kong kinuha ang kamay ni Ash. wala namang sugat pero bakas ang ngipin ni Jarred sa kamay ni Ash.

"Jarred, kailan ka pa naging aso? I told you not to hurt him!"

"Nauna siya e! at sa birthday ko ngayon. di ba, George." Nag puppy face pa itong si Jarred kay George na inirapan lang siya.

"Sinaktan mo si Ash! I hate you!" galit na sabi ni George.

Napakagat na lang sa pang-ibabang labi niya si Jarred.

Nag belat na lang ako kay Jarred. Buti nga sa kaniya.

Kaagad kong hinugasan ang kamay ni Ash saka nilagyan ko ng alcohol para sure. Baka may rabies pala yung kakambal ko na yun. for the second time, nag check ulit ako sa kamay ni Ash wala naman talagang sugat.

Nang makabalik kami sa may sala ay panay ang hingi ng sorry ni Jarred kay Ash , sa akin at kay George.

Natawa lang ako ng sinabi ni Ash na mapapatawad lang daw niya ito kung tatawagin siya ni Jarred na kuya at dapat ituring din siya nitong kuya.

"Fine.... Kuya Ash."

"Look, babe ko. parang hindi bukal sa loob niya ang pagtawag ng kuya sa akin." naka pout pa na sabi ni Ash.

Aish! Super cute naman nitong lalakeng ito kaya kaagad kong kinurot ang kaniyang kanang pisngi. Saka binalingan ko si Jarred at tiningnan ko siya ng masama.

"Okay, sorry na talaga Kuya Ash."

"Good boy." Kaagad namang ginulo ni Ash ang buhok ni Jarred na parang isang bata.

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon