CHAPTER 37

1.8K 59 3
                                    


CHAPTER 37

Kailangan naming pag-usapan ang taong nakita ko kanina....

Ang tanging babaeng kahawig ni Mary.... Si Mia Chen.

Impossible na si Mary ang nakita ko kanina. Mas mahaba na ang buhok ngayon ni Mary at ang babaeng nakita ko kanina ay may maikling buhok. Ang pagkakaalam naming lahat ay nasa isang mental institution ang kapatid niya. paano naman siya nakalabas ng mental institution?

Si Adrian ang nakatanggap ng tawag namin. hindi daw makausap ng maayos itong si Mary. Kahit siya ay hindi niya maintindihan si Mary. She's been acting weird mula ng makatanggap ito ng tawag.

Kaagad kaming punta sa bahay ng mga Chen to talk with Mary.

Kaming apat lang ang nag-usap – Me, Mary, Adrian and Ash.

Mary got a call from her parents para sabihing isasama na nila sa Canada si Mia. According sa doktor ni Mia ay gumaling na ito. hindi na daw nito iniisip si Ash. her obsession with him is over but I doubt it. Nasaksihan ng dalawang mata ko na nagawa niya kaming sundan sa napakalayong lugar na iyon.

She's still sick. Hindi ko alam kung ano pa ang kaya niyang gawin. She almost took the life of Ash four years ago. Akala ko nga noon ay mawawala na si Ash. medyo traumatic pa nga sa aming magkakaibigan ang nangyari kay Ash.

"Gusto ko talaga kayong makausap kanina pero ang daming tao kaya naisipan kong huwag munang sabihin." Naiiyak na sabi ni Mary. "I don't know kung paanong nailabas nila si Mia. Last month ko lang siya binisita and she's till not fine at all. I think you need to be alert. Kahit na sinabi ni Mom na nakaalis na sila a few minutes ago ay wala pa rin akong tiwala sa kapatid ko."

Sino ba naman ang magtitiwala sa babaeng obsessed, baliw at mapanlinlang.

Napagdesisyunan namin na ipaalam ito mga magulang namin at mga kaibigan. Kaagad din naming pina imbestigahan ang doktor na nag evaluate kay Mia, kaya lang kaagad din palang umalis ang doktor na iyon matapos ma release si Mia.

Nag pa investigate din kami kung talagang naroon ba sa Canada ang parents nina Mary at si Mia. Naroon nga daw ang mga ito at pinagpapatuloy ang treatment ni Mia sa isang institution doon.

Pero kahit ganoon ay natatakot pa rin kami. Hindi na namin siya hahayaan makalapit sa amin at saktan ang kahit sino sa mahal ko sa buhay.

Si Jarred naman ay inasikaso ang pagkuha ng mga body guards. Kailangan daw sigurado kaming safe kami.

Nag usap din kami ng aming mga barkada. Nasa honeymoon pa sina Ivan at Jeff kaya kami lang muna ang nag-usap usap.

"Mag pa retoke ka kaya Mary para naman hindi na kayo maging magkamukha ng baliw mong kapatid." Sugestion ni Mariel.

Pero tinaasan lang siya ng kilay ng lahat.

"Hindi naman siguro babalik yung si Mia para lang manggulo. Baka nagpapaalam lang siya kay Ash kaya sinundan kayo doon sa rest house." Si Justin.

"I doubt it. Tiyak na obsessed pa rin siya kay Ash. nagawa niya talagang sundan si Ash at Josephine sa isang malayong lugar. We need to keep our eyes open. Kahit na medyo malayo pa ang kasal nitong dalawa ay dapat tayong mag-ingat." Si Liam.

"Siguro dapat magbago ulit ng hair style itong si Mary para ma differentiate natin siya kay Mia. Nagawa na niya tayong linlangin noon at nagawa niyang saktan ang mga taong mahalaga sa atin." Si Jayden.

"Hindi ako makapaniwala na after four years problema pa rin natin ang babaeng iyan." Napahilot sa kaniyang sentido si Lanie.

Naaalala ko pa ang itsura nina Lanie, Mariel at Jeff. Sobrang nabigla sila. halos hindi sila makapagsalita pero si Lanie, sobrang strong talaga ng personality niya at siya ang unang naka move-on sa nangyari.

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon