CHAPTER 39
Kanina pa ako buga ng buga ng hangin dito. kinakabahan kasi ako.
Kinakabahan ako kasi - IT'S OUR WEDDING DAY!
Ang bilis ng panahon at an gaming pinakahihintay na panahon ay ngayon na mangyayari.
"Relax lang, Josephine. Masyado kang kinakabahan. baka bigla ka na lang mahimatay." Si Nanay iyon.
Ang ganda ng ni Nanay sa suot niyang red dress. Red ang motif ng wedding.
"Naku ang make-up ingatan! Baka magback-out ang groom mo." Maarteng sabi ng baklang nag me-make up sa akin.
"Naku, hindi po yun magbaback-out. Ngayon pa ba na super pretty ni Josephine. Dati nga mukhang timang ang tawag sa kaniya ng groom niya." natawa na lang kami sa sinabi ni Jeff na may kalakihan na rin ang tiyan. She's already five months pregnant and lalake ang kanilang baby ni Ivan.
"Hindi mag ba back-out ang Ashton ko dahil mahal na mahal niya si Josephine." Si Mommy Clarisse na nakangiti rin. Nakabihis na din siya. mommy na ang tawag ko sa kaniya.
Ang mga boys ay naroon sa bahay ni Ash at kami ay nasa bahay ni Dad nagstay.
Walang bachelorette party at walang stag party dahil sa usapan namin nina Ash. lalo na at hindi pumayag ang mga girls na magkaroon sila ng stag party or else outside the kulambo sila.
"Aba, dapat lang!" - si Nanay.
Nagkatawanan ang lahat. Hindi naman nagkakailangan sila Nanay at Mommy Clarisse. Sila Dad naman okay lang naman pero hindi sila masyadong nagpapansinan. Well, may mga bagay na kahit ilang taon na ang nagdaan mahihirapan ka ding baguhin.
Okay lang naman sa akin basta hindi sila nag aaway.
"Girls, okay na ba lahat? Aalis na tayo." Si Mariel iyon, kasama niya si George.
Si Mariel naman preggy din siya three months pa lang naman at medyo hindi pa halata.
Nakabihis na rin ako. okay na lahat kaya lang masyado akong kinakabahan.
Sina Stephie, Mary at Jaimee ay nasa simabahan na. si George naman ang humawak sa viel ko. masyado kasing mahaba. Si Nanay naman ay inaalalayan akong makakababa sa hagdanan.
Pakiramdam ko kung hindi nila ako aalalayan ay baka bigla akong mahulog pababa ng hagdanan. nanginginig kasi ang tuhod ko dahil sa kaba.
Napabuga ako ng hangin. Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Wala pa nga tayo sa simbahan. Relax lang." sabi ulit ni Nanay.
Malapit lang dito sa village ang simbahan kung saan kami ikakasal.
Nang makarating kami sa simabahan ay napabuga na naman ako ng hangin bago ako bumaba sa kotse. kinakabahan talaga ako at kung hindi koi to gagawin ay tiyak na hihimatayin ako sa sobrang kaba.
Sumenyas na si George sa mga nasa loob na puwede ng magsimula ang kasal. Kaagad nilang isinara ang pintuan ng simbahan dahil bubuksan lang iyon kung papasok na ako.
Ini-ready ko na ang sarili ko kung sakaling bubukas na ang pintuan. Hudyat na puwede na akong pumasok. Humihigpit na rin ang hawak ko sa bouquet.
Nang bumukas na ang pinto ay kaagad na hinanap ng aking mga mata si Ash. Hindi ko mapigilang mapakagat sa pang-ibabang labi ko ng tuluyan ko ng makita si Ash. nakikitang sobrang laki ng ngiti niya habang nakatingin sa akin. his eyes sparkles, sparkling with love. Lalo ata siyang gumwapo sa suot niyang white suit.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)
Teen FictionLumaki si Ash na ang kinikilalang ama ay ang kaniyang step father na si Mr. Richard Simon. Until, he met Josephine Wilhelmina Simon ang anak ni Mr. Simon sa ibang babae - His Nerdy Step sister. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, ch...