CHAPTER 15

2.7K 75 1
                                    

Hindi ko pinadala kay Justin yung sunflower. Inilagay ko yun sa locker ko. gagawa ako ng paraan para mahuli ko si Liam, kung sakaling siya yung nagpapadala sa akin ng sunflower.

Kinausap ko si Justin na may gagawin kaming konting drama mamaya. Pumayag naman siya kahit alam kung alam niyang si Liam talaga yung nagpapadala sa akin nung sunflower.

Halos hindi pumasok sa utak ko yung discussion ng mga professor namin kasi nasa gagawin naming dalawa ni Justin yung isip ko.

Kaagad kong itinext si Justin na tapos na yung klase ko.

Nag reply naman siya na si Liam daw ang susundo sa akin para sa lunch.

Hinintay ko muna si Liam sa labas ng classroom namin. ilang sandali lang ay nakita ko na si Liam na nakangiting kumakaway. Aba! Mukhang hindi na siya galit sa akin.

"Hmp! Bakit ka nakangiti?"

"Salamat sa cake." Sabi niya sa akin.

"So bati na tayo?"

"Hindi naman ako galit sa'yo Josephine." Saka narinig kong napabuga siya ng hangin.

Kaagad na kaming pumunta sa locker ko. pagbukas ko ng locker ay kinuha ko yung sunflower.

"Aww! May nagpadala na naman sa akin ng sunflower." Nakangiti kong sabi.

"Sinong nagpadala?" nakakunot noong tanong ni Liam nakita ko pang kumuyom yung kamao niya.

"I don't know. Siguro yung nagpapadala din ng bouquet of sunflower." Sabi ko sa kaniya.

Pinagmamasdan ko yung reaksyon niya. Liam ikaw ba talaga ang nagpapadala sa akin ng bulaklak?

"Hi Josephine." Bati nung isang kaklase ko na si Ralph. "Nagustuhan mo ba yung sunflower na bigay ko?" nakangiti niyang sabi sa akin.

"Huh? ikaw ang naglalagay sa locker ko ng sunflower?" kunwari na sabi ko.

"Oo, dati bouquet yan. Pero siyempre ngayon isang stem na lang kasi mahal yung bouquet." Nahihiya pa niyang sabi.

Nanlaki ang mata ko ng kinuwelyuhan ni Liam yung kaklase ko. kaagad kong inawat si Liam. nanginginig ang kamay niya habang

Hawak pa rin ang kuwelyo ng uniform nito.

"Liam, bitiwan mo siya." sigaw ko. pinipilit kong alisin ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Liam sa damit ni Ralph.

"Josephine, pigilan mo si Garcia!" sigaw ni Ralph. Buti na lang at dumating si Justin para awatin si Liam.

Nang mabitiwan ni Liam si Ralph ay kaagad na tumakbo ito papalayo. I signed peace to him, he must be scared. Kahit ako natakot kanina.

"Liam, bakit mo ginawa yun kay Ralph?" galit kong sabi kay Liam. bahagya namang tumungo si Liam.

"Tss... Kailangan niyong mag-usap." Sabi ni Justin saka umalis.

Ilang minute ding nakatayo lang kaming dalawa sa harap ng locker ko. ayaw kasing magsalita ni Liam na hanggang ngayon ay nakatungo pa rin. Ako naman hinihintay ko siyang magsalita.

"Liam --."

"Joseph --." Sabay pa naming sabi.

"Mauna ka na Liam." sabi ko sa kaniya.

Napabuga pa siya ng hangin bago nagsalita. " Tumatanggap ka ng manliligaw kahit kayo na ni Ash?"

Napapikit ako dahil sa frustration na nararamdaman ko. ayaw talagang aminin ni Liam na siya yung nagpapadala ng sunflower sa akin.

"Liam, alam ko na ikaw ang nagpapadala ng bouquet ng sunflower." Seryoso kong sabi sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Pero ilang sandali lang ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at bahagya siyang ngumiti.

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon