CHAPTER FIVE

3.3K 90 3
                                    

CHAPTER FIVE

Pagkabukas ay ginamit ko ang bigay sa akin ni Tita Clarisse na Tory burch bagpack. Pati yung binigay sa akin na earings ni Ivan. Tapos pinalitan ko na din ang cellphone ko noong iphone 6. Nakisabay na rin ako kay Ash ng pagpasok. Hindi ako puwedeng sumabay kay Stephie at Andrei kasi sa ibang gate papasok yung sasakyan nila. Sabi ni Tatay bukas Kailangan kong puntahan yung dentist ko para matanggal na ang braces ko. Yes! Pero hindi ko ginamit yung bigay ni Liam na contact lens. Basta 'di ko feel. Tamad kasi akong magtanggal noon pag natutulog na ako.

"Ash, ilagay mo naman ang number mo dito sa cellphone ko." sabi ko kay Ash.

"Tss..."

"Sige na!"

"Nag da-drive ako okay!"

"Sabihin mo na lang at ako na mag se-save."

"Pss... sige na nga 09*********" hahaha. Buti naman. Hindi na nag-ingay pa ang mokong.

Nagtext ako kay Mariel, bestfriend ko sa high school. (Mariel, may bago akong phone - iphone 6! At saka kita tayo bukas ng hapon sa favorite mong pizza parlor... libre ko. hehehe)

Nag reply din siya (Basta libre mo ha! Isasama ko si Jeff at si Lanie okay? Lume level-up ka friend dahil sa iphone 6!) napangiti ako.

"Sino yang ka text mo si Justin?"

"Bakit selos ka?"

"No!"

"Eh 'di wow!"

Bigla na lang tumunog ang cellphone ko... si Justin tumatawag.

"Hello, Slave!"

(Master, susuotin mo ba ang bigay ko sa'yo kagabi?)

"Hindi noh! Wala akong planong ma sprain sa taas ng taking nun!"

(Marami naman sa school na nagsusuot nun eh!)

George: Yung make-up ginamit mo?

"UUUUy!!! Naka loud speaker ka? 'Lang ya! Oo ginamit ko pero konti lang."

Andrei: eh yung snow globe?

"Hahaha. Patawa! Alangan namang isuot ko yun. Nasa kuwarto lang siya. Teka na sa school na kayo?"

Justin: Oo, kayo na lang ang late!

Ako: Anong late 6:40 pa lang...

George: late pa rin yun!

Ako: Fine, malapit na kami ni - babe ko!

Wahahaha... BABE DAW! napalingon naman ako kay Ash saka nakita kong naningkit ang mga mata niya... hahahaha!

Hindi na ako dumeretso sa A&A kasi naman baka ma late na ako.... 6:50 am na kami dumating 7:00 am ang first class. Itong si Ash eh 7:30 pa ang klase. Nakita ko doon ang mga bruha na nanugod sa akin noong first day. Napatingin sila sa akin pero umiwas din. Sabi kasi ni Stephie si Tatay na ang bahala. Mas mabuti kung iiwasan nila ako at iiwasan ko na rin sila.

Computer and software application ang unang klase namin. Okay naman naka miss ako ng klase kahapon kaya medyo nahuli ako sa topic kanina pero buti na lang at bago ako nakatulog ay nakapag-aral naman ako. Kasi naman itong si Adrian tinulungan akong makakuha ng mga notes sa subject ko. Buti na lang at kaibigan ko na sila.

Second subject, college algebra! Buti na lang at naka silent ang cellphone ko at nag vibrate lang. Si Ash - tinatanong kung tuloy kami mamaya sa dentist ko. (Oo, excited na ako eh. 3pm pa last subject ko.) tapos *erase* (Oo babe excited na ako eh. 3pm pa last subject ko. see laters babe ko!) hahaha.

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon