ASH'S POV
Kasama ko sina ang mga kaibigan ko at sina dad at Mom, maging sina Stephie at Andrei ay narito din. Sina Lanie at Liam ay hindi nagpapansinan pero napapansin kong palaging nakatingin si Liam kay Lanie.
Nagsimula na ang emcee sa pagsasalita. Lahat ay nakaabang sa pagpapakilala sa bagong President ng kumpanya.
Nasa kabilang mesa naman sina Tita Anya, kasama niya si Tito Archie at si Adrian at Mary.
"The new president of D&S Bank and Company. Mr. Jarred Wilhelmin De Smet."
Kaagad na lumabas mula sa back stage ang isang lalakeng nakamaskara ng pula. Ito yung kasama nung magandang babae na nakapula. Nang tanggalin na nito ang maskara ay dinig na dinig namin ang pagsinghap ni Dad at ni Tita Anya.
Napatayo pa silang dalawa at nagkatinginan.
Nagsimula ng magsalit ang bagong Presidente ng D&S ng napaupo na lang sina Dad at Tita Anya. Maging si Mom ay nagulat din sa pagkakakita doon sa lalake.
"After our grandmother, Esmerald De Smet passed away."
Everyone gasped in surprised. Walang nakakaalam na pumanaw na pala ang asawa ni Edward De Smet. Walang nakarating na balita sa amin.
"I owned my presidency to my beloved and the former president and now the vice president of D&S Bank and Company. My twin sister Josephine Wilhelmin Simon."
Napatayo ako sa sobrang kaba. Then I saw her. The lady in red.
Inalis niya ang suot niyang maskara. Everyone is blabbering and gasping at the same time.
Damn! that beautiful lady is my girlfriend! She's mine! Ang lakas ng tibok ng puso ko. it's like it is going to jump off my chest.
She's definitely the most beautiful lady tonight and she grown up to be so gorgeous.
"Oh my! She's not pretty at all." Sabi pa ni Justin na tiningnan namin ng masama. "Master become so gorgeous."
"May kakambal si Yeng, Richard?" gulat na tanong ni Mom.
"H-hindi ko alam 'to."
Kaagad na lumapit sa amin si Tita Anya at Tito Archie kasama si Adrian at Mary.
"What do you know about this?"galit na tanong ni Tita Anya.
Umiling lang si Daddy Richard.
Isang tikhim ang nakaagaw sa pansin namin. it's Jarred and Josephine. They we're too stunning.
"Are we a lovely couple?" nakangiting sabi ni Josephine saka tumingin siya sa akin. "Hi, babe ko. na miss kita."
"Eww... that's so disgusting, Josephine." Sabi pa ni Jarred na parang masusuka. Natawa na lang kami. Kaagad namang piningot ni Josephine ang kapatid.
"H, everyone! Missed me?" nakangiting sabi ni Josephine sa iba.
Kaagad namang yumakap ang mga babae sa kaniya. nauna pa ang nanay niya. sobrang umiyak si Tita Anya. Hindi na rin napigilan ni Josephine at napaiyak. Kaagad namang hinila ni Jarred si Josephine papalayo sa mga nakayakap sa kaniya.
"Damn, look at you! You blotched your make-up. Too ugly!" inis na sabi ni Jarred.
"A-ah, Nanay, Tatay. Si Jarred po. Kakambal ko po ang abnormal na ito." pakilala niya kay Jarred sa mga magulang nila. kaagad namang yumakap sina Tita Anya at Dad kay Jarred.
"Aww... too sweet." Sabi ni Josephine saka tumingin sa akin at kinindatan ako.
Damn. now she's playful?
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)
Fiksi RemajaLumaki si Ash na ang kinikilalang ama ay ang kaniyang step father na si Mr. Richard Simon. Until, he met Josephine Wilhelmina Simon ang anak ni Mr. Simon sa ibang babae - His Nerdy Step sister. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, ch...