CHAPTER 4

3.2K 93 0
                                    

Agh! Napadilat ako ang sakit sa tenga ng alarm clock at ang sakit ng ulo ko! parang gusto kong tanggalin ang ulo ko at ihiwalay sa katawan ko! bago ako makaalis sa higaan ay nakadama ako ng hindi maganda... NASUSUKA AKO! Kaagad kong tinungo ang banyo at doon parang gusto kong iduwal lahat ng nainom ko kagabi. Shet! Buwisit... pahihirapan ko ang buhay ni Justin.

Parang sumakit ang tiyan ko pagkatapos... pakiramdam ko hinanghina ang pakiramdam ko... parang hindi ako makabangon mula sa paghiga ko sa sahig ng banyo. Ang sakit ng katawan ko! ginapang ko ang shower room at doon ay pinaagos ang shower. Hay ang sarap! Gusto ko ng hot shower. Kaya kaagad kong in-ajust ang temperature nito. Hay grabe! Akalain mo natalo ko si Justin sa inuman... parang hindi ko first time na uminom.

"Ate!" si Stephie. Ilang beses pa itong kumatok. Hindi ko kayang bumangon. Nanatili lang ako sa pagkakahiga sa sahig ng shower. Napapikit ako uli. Gusto kong matulog uli.

Nang magising ako ulit. amoy ospital na! may orasan sa loob ng kuwarto alas kuwatro na ng hapon. Shet! Second day pa lang absent na!

"Ate Yeng!" nakangiting sabi ni Stephie. "Good, you're awake!" saka kumuha siya ng isang apple at binalatan saka isinubo sa akin.

"bakit nasa ospital ako?" masakit ang ulo ko pero hindi na ako nahihilo. Hindi ko pinansin yung apple na inilapit sa akin ni Stephie.

"I thought that you're sick eh, lasing ka lang pala!" napasimangot si Stephie tapos inilapag niya sa isang pinggan ang apple na binalatan niya.

"Oo nga pala. Nakapasok si Kuya Ash mo?" tanong ko.

"Oo, he's not drunk daw eh. Alam na pala ni Dad na dinala kita sa hospital. He's very angry! Lagot talaga si Kuya Ash!"

"Naku, walang kasalanan si Ash!" partly pala meron! Pero baka magalit si Tatay.

"He's coming in - ten, nine, eight, seven, six, five, four, three, two -." Hindi na natapos ni Stephie ang sasabihin ng biglang bumukas ang pintuan... at si Tatay nga! Pambihira masyadong kalkulado na ni Stephie ang galaw ni Tatay. Wala yang ginawa kundi ang alamin ang schedule pati ang lakad ni Tatay alam niya.

Napatingin ako sa mukha ni Tatay - hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Psss... ano kaya?

"ANONG KAGAGUHAN ITONG GINAWA NI ASH?!" biglang sigaw ni Tatay. Napatakip tuloy ako sa tenga ko.

"Tay, hindi po si Ash ang dahilan kung bakit ako lasing okay!" sabi ko pero nakatakip parin ang mga kamay ko sa tenga ko.

"At kung hindi siya sino?!"

Napalunok pa ako ng laway ng ilang beses bago nakapag salita uli. "A-ako, Tay."

Saka sinabi ko sa kaniya ang nangyari. I know kung gaano kasama magalit si Tatay. Medyo pinagtakpan ko ang tunay na nangyari baka naman kasi masapok ng tatay ko itong si Ash ng wala sa oras.

Tapos ilang sandali lang ay dumating na si Andrei at galing pala siya sa billing section. Nabayaraan na daw ang bill sa ospital. Puwede na daw akong umuwi. Hay! Mabuti na lang at hindi na ako hilo. Nang makarating kami sa mansyon ay kaagad akong kumain saka pumunta ako sa kuwarto ko.

Pero nainip lang ako doon kaya pumunta ulit ako sa kusina at nakita ko doon si Ash. Kumakain ng pizza.

"Pahingi nga niyan." Tapos akmang hahawakan ko ang pizza ay tinapik niya ang kamay ko.

"Bawal."

"Pss..." pinilit kong makakuha ng isa pero inilayo lang niya sa akin ang box.

"Yikes! Ang damot! Teka, number nga ni Justin."

Napakunot noo si Ash.

"Bakit mo hinihingi? Crush mo ano?"

"Loko! Di ba ako nanalo kagabi. Slave slash Genie ko siya di ba!"

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon